ONLINE din si Rodney nang mga sandaling iyon. Tamang-tama.
Agad siyang sumagot sa email nito.
Can you login to skype now? I have provided my ID in the previous mail.
Para siyang tanga, naisip niya. Puwede namang tawagan kung bakit sa email pa sila nag-uusap.
Okay, wait...
Halos dumagundong sa kabog ang dibdib niya nang sumagot si Rodney. Eto na. Eto na talaga! Wala nang urungan ito.
Ilang sandali lang ay nakita niya sa skype ang lalaki. In fairness, ang guwapo nito!
"You are Rodney Samonte, 26 and a resident of Las Piñas City," panimula niya.
"That's correct, and I presume you are Cheska Divino based on your email address."
"Oo, real name ko 'yon."
"So, anong naisipan mo at naghanap ka ng boyfriend sa dating site sa iyon? Maganda ka naman." Nakita niya sa screen na parang natatawa ang lalaki pero pinipigilan lang nito ang sarili.
"Okay, I'll be very honest," sagot niya. "Peer pressure. Gusto kong magka-boyfriend na once and for all para hindi na ako ang butt of jokes every time na nag-uusap kami ng mga kaibigan ko."
"Iyon lang?" Ayaw ba nitong maniwala sa kanya? "Pero maganda ka naman. Very beautiful, actually. Bakit kailangan mo pang maghanap?"
Pinormalan niya ang kausap. "I am the one who is supposed to interview you."
"Oh, I'm sorry. You may now start with the interview." Hindi seryoso ang paghingi nito ng paumanhin dahil nangingiti ito, nakita ni Cheska.
"It was stated in your resume that you are self-employed. What do you particularly do for a living?"
"Ahm, well... I am into multi-level marketing business."
"Networking?" taas-kilay niyang tanong.
"Yeah. Why, is there a problem?"
"W-wala naman. Ano naman ang products n'yo?"
"Open-minded ka ba sa business? Can I invite you over a cup of coffee?"
Muntik nang mapabunghalit ng tawa si Cheska. Ilang ulit na ba niyang narinig ang linyang 'yan? Lahat yata ng alam niyang networking business ay puro kape lang ang ino-offer kapag nag-invite ng prospective clients. Akala ko ba mayayaman ang mga nasa networking business, gusto niyang itanong. Bakit kape lang? Hindi ba puwedeng i-level up into fine dining man lang para mas convincing na kumikitang kabuhayan nga ang networking na 'yan?
"No, marami na ang nag-attempt na i-recruit ako pero walang nagtagumpay. Networking is not for me," she said with conviction.
"Well, it might be different this time around if you'll just allow me to discuss our products." Tila desidido si Rodney na ma-recruit ang kausap.
"Ituloy na natin ang interview..."
Nakita niyang nagkibit-balikat si Rodney. "Okay, ikaw ang bahala."
"Bakit mo naisipang mag-apply bilang boyfriend ko?"
"Bakit nga ba?" Tumingala pa ito sa kisame na parang doon hinahanap ang isasagot. "Na-curious ako. Akala ko noong una, joke lang. Seryoso pala. Seryoso, 'di ba?"
"Paano kung joke lang?" Ano kaya ang gagawin ng lalaking ito?
"Eh, 'di okay lang. Masaya ka namang kausap. Yayayain na lang kitang mag-networking."
Networking na naman!
"Hindi nga ako mahilig sa networking. Hindi para sa akin ang ganyang business."
BINABASA MO ANG
Tall, Daks and Handsome
HumorSa panahong milenyal, marami na ang ipinagbago ng lipunan. Pati ang dreamboy ng mga kababaihan ay nagbago na rin. Kung dati'y Tall Dark and Handsome ang ideal man nila, ngayon naman ay TALL DAKS AND HANDSOME na. Cover Design: @greatfairy (Jean Ser...