Chapter 30

11K 259 26
                                    

HATINGGABI na nang magising si Cheska sa tunog ng kanyang telepono. Dinampot niya ito para makita kung sino ang tumatawag sa ganoong alanganing oras.

Si Jerimie!

Anong naisipan ng lalaking ito at nang-iistorbo pa sa dis-oras ng gabi?

"Hello... Ba't napatawag ka? Pasado alas-dose na, alam mo ba iyon?" sita niya rito.

"Nandito ako sa labas ng apartment mo..."

"Ha?! Anong ginagawa mo riyan?" Bumalikwas siya ng bangon at binuksan ang ilaw sa kanyang kuwarto. "Teka, lalabas ako."

Nagmamadali siyang lumabas at naabutan niya si Jerimie na nakasandal sa kotse nito. Naka-tuck out ang long sleeves polo nito at medyo magulo ang buhok.

"Anong nangyari sa'yo? Para kang nakipaghabulan sa kabayo."

"I love you, Cheska... I love you! Sigurado ako sa nararamdaman ko. Totohanin na natin ito. Hindi ko na kayang magpanggap." Mabilis itong nakalapit sa kanya at agad siyang niyakap.

Gulat na gulat si Cheska. Ang mahigpit na yakap ni Jerimie ay sapat na para hindi siya makagalaw. "Teka, teka! Anong nangyayari?"

Inalis ni Jeremie ang pagkakayakap sa kanya tapos ay hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi. "Mahal kita! I love you, Cheska. Pumapayag ka bang maging girlfriend kita... nang totohanan?"

Magkahalo ang kaba at sayang tinitigian ni Cheska ang binata. "L-lasing ka ba?"

"Hindi! Hindi ako lasing. I just realized that I need you in my life and I will be empty without you..." Sinalubong ni Jerimie ang titig ng dalaga. "I love you, Cheska. Tapusin na natin ang pagpapanggap at totohanin na natin ang lahat."

Hindi makasagot si Cheska.

"Will you be my girlfriend? My one and only girlfriend?"

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Totoo ba ito? Ito na yata ang pinakamaligayang sandali sa buhay niya.

Naghihintay ng sagot niya si Jerimie. "Say yes, please..."

Lumunok si Cheska at pagkatapos ay dahan-dahang bumuka ang bibig. "Y-yes... Yes, Jerimie..."

Muli ay ikinulong siya ni Jerimie sa mga bisig nito. Mas mahigpit pa kaysa kanina. Iyong yakap na parang ayaw na siyang pakawalan nito.

Paulit-ulit na bumulong sa tenga niya si Jerimie. "I love you. I really, really love you from the very first time I saw you..."

Kumawala siya sa pagkakayakap nito. "Hmp! Napagkamalan mo nga akong bakla no'n, eh. Ano iyon, na love at first sight ka sa bakla?" kunwari'y nagtatampong sabi niya.

Natawa nang mahina si Jerimie. "Hindi... Nagbibiro lang ako no'n. Sineryoso mo lang masyado kaya pinanindigan ko na. Pero ang totoo, gustong-gusto na kita noon pa lang. And I promised to myself to pursue you kahit hindi ako ang mapili mong maging dummy boyfriend."

"Eh, ano nga ba ang ginagawa mo sa online dating site na 'yon? Parang weird kasi na nandoon ka."

"Ikaw nga nandoon din, eh. Hindi ko inaasahan na ang isang babaeng kasingganda mo ay maghahanap ng boyfriend sa site na iyon. Dummy boyfriend nga pala. Ayokong maniwala na wala kang boyfriend sa ganda mong iyan." Hindi inaalis ni Jerimie ang malagkit niyang tingin kay Cheska.

"Isa lang ang hihilingin ko sa'yo..."

"Kahit ano, sabihin mo lang."

"Huwag mo akong lolokohin."

Umiling si Jerimie. "Hinding-hindi ko gagawin sa'yo 'yon. Sobrang mahal kita para lokohin ko lang." Narinig ni Cheska na bahagyang pumiyok ang boses nito.

Muli siyang niyakap ni Jerimie. "I love you, Cheska. Thanks for making me so happy..."

"I love you, too and I'm happier," bulong niya.

Sa 'di kalayuan ay isang lalaki ang kanina pa sila kinukunan ng litrato. Hindi nito naririning ang kanilang pinag-uusapan pero bawat galaw nila ay na-capture na ng kamerang dala nito.

KINABUKASAN ay maaga pa ring nagising si Jerimie kahit alas-tres ng madaling araw na siya nakauwi. Napakasaya niya at ang nangyari kagabi ay nagpataas pang lalo sng kanyang adrenaline. Hindi siya makapaniwalang girlfriend na niya si Cheska. Totoong girlfriend. Hindi na siya isang dummy boyfriend lang.

Sobrang excited siya at gusto na niyang hilahin ang oras para masundo sa opisina si Cheska at makasama niya ito.

BISITA ni Gordon si Toby sa kanyang tinitirhan.

"Pinabibilib mo ako, bro. 'Pag sinabi mong three days, three days talaga." nakangising sabi ni Gordon sa bisita niyang may hawak na brown envelope.

"Kahit kailan, hindi pa ako nasira sa mga kliyente ko. Dala ko na ang mga impormasyong kailangan mo." Itinaas nito ang dalang envelope. Tapos ay iniabot kay Gordon. "Eto, see it for yourself."

Agad na binuksan ni Gordon ang envelope at tiningnan ang mga dokumento sa loob. May laman itong mga litrato. Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. Nakita niya sa unang larawan si Jerimie habang naglalakad papalabas ng building kung saan naroon ang opisina nito. Sa ikalawang larawan ay naroon naman si Cheska. Sa ikatlong larawan ay sina Nurse Gina at Zinnia ang naroon. Ang pang-apat ay larawan naman nina Jerimie at Cheska habang nasa labas ng apartment ng dalaga at magkayakap. At sa huling larawan ay makikita si Maddy na nagmamaneho ng kotseng papasok sa gate ng tinitirhan nitong bahay.

Nagsalita si Toby. "Initial findings pa lang 'yan. We'll dig deeper kung gusto mo. Kilala mo ba kung sino ang mga nasa larawan?"

Titig na titig si Gordon sa larawan ni Maddy. Ito ang babaeng nakilala niya sa bar. Anong kaugnayan ng babaeng ito kay Jerimie? "Sino ito?" Ipinakita niya kay Toby ang larawan.

"Ah! Ang pangalan niyan ay Madeline Ludriga. Siya ang ina ng anak ni Jerimie."

Napanganga si Gordon tapos ay napangisi. Nagbalik sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Maddy.

"Kasal ba sila?" tanong niya kay Toby.

"Hindi. Pero sustentado siya ni Jerimie pati ang anak nila," kaswal na sagot nito. Halatang kampante sa mga nakuha nitong impormasyon tungkol kay Jerimie.

"Anong pangalan ng bata?"

"Zinnia Manderico, tatlong taon na siya. Sa nakuha naming impormasyon, may sakit sa puso ang bata at madalas maospital. Mahal na mahal 'yan ni Jerimie at alagang-alaga. Ikinuha pa nga niya ng private nurse para masigurong may titingin dito sa lahat ng oras."

Napatango-tango si Gordon.

"Iyon namang babae na kasama ni Jerimie sa isang larawan ay si Cheska Divino, girlfriend niya."

"Kilala ko itong si Cheska," kaswal na komento ni Gordon.

"Paano, bro? May gusto ka pa bang malaman? Nag-email ako sayo, soft copies ng mga litrato kasama ang mga detalye. May mga ibang litrato pa rin doon na baka kailanganin mo."

"Wala na, bro. Saktong-sakto itong mga impormasyong nakuha mo. Sapat na 'to para sa kailangan ko," pahayag ni Gordon. "Ipadala mo na lang sa akin ang bill para sa serbisyo mo."

"Areglado, bro. Tutuloy na ako. Babalik pa ako sa opisina."

Nakaalis na si Toby ay hawak pa rin ni Gordon ang mga litratong dala nito. Naglalaro sa isip niya kung ano ang magiging reaksyon ni Cheska kapag nalamang may anak na ang ipinagmamalaki nitong boyfriend.

Pero paano kung alam na pala ni Cheska ang tungkol sa anak ni Jerimie? Paano kung tanggap naman pala ni Cheska ang bata?

Saglit na nag-isip si Gordon, pagkatapos ay nagpakawala ito ng isang misteryosong ngiti.







Tall, Daks and HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon