"WALANGHIYA ka talaga! Nagpunta ako rito para mag-sorry sa'yo tapos ganyan ang aabutan ko," nanggigigil na sabi ni Cheska.
Hinimas ni Jerimie ang nasaktang pisngi. "Teka muna, let me explain. Nakakarami ka na, ah. Nagiging hobby mo na ang sampalin ako."
"At paano mo ipaliliwanag ang nagkalat na lipstick sa pisngi mo at sa kuwelyo ng polo mo, aber?"
"Kaya nga hintayin mo akong makapagsalita. Ang hirap sa'yo, eh nananakit ka agad. Kailan ba kita niloko?"
"Huwag mong hintaying isa-isahin ko," pinandilatan niya ito.
Pero hindi natinag si Jerimie. "Kung ano man ng iisa-isahin mo, may paliwanag ako sa lahat ng 'yan. I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo pero kahit minsan ay hindi kita niloko. Maniwala ka."
Napakunot ang noo ni Cheska.
"Halika, maupo ka muna. Kalma ka lang..."
Para siyang robot na sumunod lang sa sinasabi nito. Aaminin niyang gusto rin niyang marinig ang panig ni Jerimie. Mali nga yata na basta na lang siyang nanghusga gayong hindi naman niya alam ang totoong kuwento.
Nang makaupo na siya ay muling nagsalita si Jerimie, "Umpisahan natin sa mga lipstick na 'to." Para siyang napaso nang titigan ng nobyo. "Si Elsa ang may gawa nito. Siya ang bisita ko bago ka dumating."
"Alam ko, nakita ko siyang dumaan sa reception kanina," mataray niyang sagot.
"Tatanungin kita... Sa loob ng dalawang linggong nakasama natin si Elsa, nakita mo ba akong naging interesado sa kanya?"
"Madalas ko kayong nakikitang nag-uusap. Na kayong dalawa lang. Tapos, nagtatawanan din kayo," walang paligoy-ligoy niyang sagot.
"Does it mean na may gusto ako sa kanya?"
"It shows that you get along well with each other. May chemistry kayo, kumbaga."
Natawa si Jerimie. "Hindi ba puwedeng I was just being gentlemanly? She was our host, remember. Anong klase naman akong bisita kung hindi ko pakikiharapan nang mabuti ang taong nagpatuloy at nag-asikaso sa atin?" argumento pa niya.
"Eh, bakit pa natin pinag-uusapan ang mga lumang pangyayari? Pag-usapan natin ang nangyari kanina lang. Bakit mo pa siya pinapasok sa loob ng opisina mo kung wala kang interes sa kanya?" Hindi mapigilan ni Cheska ang pagbulwak ng kanyang emosyon. Inaatake talaga siya ng matinding selos kapag si Elsa ang pinag-uusapan.
Kalmado pa ring sumagot si Jerimie. "Let me tell you na last week, she called me and asked if we can meet. Luluwas nga raw kasi siya. I politely declined dahil ayokong pagsimulan siya ng gulo sa pagitan natin. When the receptionist informed me na dumating siya and would like to talk to me, I had second thoughts kung papapasukin ko siya o hindi. But dahil nandito ako sa opisina at dito siya pumunta, I acted as a businessman and treated her as a client. Everybody is welcome naman dito sa opisina ko. Malay ko ba sa hidden agenda ng pagpunta niya rito. I acted in good faith. Wala akong intensyong gumawa ng any monkey business sa loob mismo ng opisina ko. I have a CCTV here in my office. You can view it anytime para paniwalaan mo ako. I'm confident na nakuhaan ng CCTV ang lahat ng eksena mula sa pagpasok niya hanggang sa lumabas siya rito." Halos habulin niya ang sariling hininga sa haba ng sinabi niya. Pero kailangan talagang malaman ni Cheska ang panig niya.
Napalinga-linga sa paligid si Cheska, hinahanap ang CCTV.
"Nandoon sa itaas sa may pinto." Itinuro pa sa kanya ng nobyo kung saan eksakto nakalagay ang CCTV. "Pasensya ka na, sobrang gentleman ng boyfriend mo. Kaya minsan, naabuso na nami-misinterpret pa. But I want to tell you that I have my own mind at alam ko kung ano at sino ang gusto ko. Walang kahit sino ang puwedeng tumukso sa akin. Kapag hindi ko siya gusto, walang mangyayari kahit ano pa ang gawin niya," sigurado sa sariling pahayag ni Jerimie. "Gusto mo bang makita ang CCTV?"
Sunod-sunod ang iling ni Cheska. "Hindi na. Naniniwala naman ako sa'yo."
Lumawak ang pagkakangiti ni Jerimie. "Ngayon, pag-usapan naman natin si Zinnia. Marami kang dapat malaman. Pero I guarantee you one thing, hindi kita niloko."
ABURIDONG naglalakad sa kalye si Elsa. Palpak ang plano niya. Siguro nga ay dapat na niyang tanggapin na hindi talaga siya gusto ni Jerimie. Maganda lang talagang makitungo sa ibang tao ang lalaking iyon pero hindi ibig sabihin na pinakitaan siya ng maganda ay gusto na siya. Pero kailan ba siya makakakita ng pag-ibig na para sa kanya talaga? Ilang pagkabigo ba ang kailangan niyang pagdaanan bago siya lumigaya?
Wala sa loob na tumawid siya ng kalye. Hindi niya napansin na naka-go signal ang traffic light. Isang kotse ang muntik nang makabundol sa kanya kung hindi lang maagap na nakapag-break ang lalaking nagmamaneho nito. Tinakpan na lang ni Elsa ng dalawang palad ang mukha niya tapos ay nagtitili sa labis na takot. Mabilis na lumabas ng kotse ang lalaking nagmamaneho.
"Miss, are you okay?" Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Natigilan si Elsa. Bakit parang pamilyar sa kanya ang timbre ng boses ng lalaking nagsalita? Nag-angat siya ng mukha at tumambad sa kanya ang isang pamilyar na itsura. Hinding-hindi niya makakalimutan ang itsura nito. "My God! Uriel, ikaw nga ba 'yan?"
"Elsa?" Hindi makapaniwalang sabi ni Uriel. Kilalang-kilala niya ang babae. Bakit hindi eh si Elsa ang kauna-unahan niyang naging girlfriend noong nag-aaral pa lang siya sa kolehiyo. Pareho sila ng eskuwelahan pero magkaiba sila ng kinuhang kurso. Pero nakilala niya si Elsa dahil isa itong kilalang pigura sa eskuwelahan dahil sa pagiging aktibo nito sa student government. Nagkahiwalay lang sila dahil lumipat ng eskuwelahan si Elsa at ipinagpatuloy na lang nito ang pag-aaral sa probinsiya nito sa La Union. Wala silang formal break up. Basta nawalan na lang sila ng komunikasyon kahit sabihin pang uso na ang social media. "Saan ka pupunta? Ihahatid na kita," alok niya rito.
Parang namagneto na si Elsa at hindi na nakatanggi nang hawakan ni Uriel ang kanang braso niya at alalayan siyang makasakay sa kotse nito.
"Saan tayo?" tanong ni Uriel nang makasakay na rin siya.
"Kahit saan. Dalhin mo ako kahit saan, Uriel."
"O-okay... Sabi mo, eh."
Mabilis na pinatakbo niya ang kotse kahit hindi pa niya alam kung saan pupunta. Pero nabahala siya nang makitang tahimik na umiiyak si Elsa.
BINABASA MO ANG
Tall, Daks and Handsome
HumorSa panahong milenyal, marami na ang ipinagbago ng lipunan. Pati ang dreamboy ng mga kababaihan ay nagbago na rin. Kung dati'y Tall Dark and Handsome ang ideal man nila, ngayon naman ay TALL DAKS AND HANDSOME na. Cover Design: @greatfairy (Jean Ser...