Chapter 44

11.6K 225 37
                                    

KAUSAP ni Cheska si Kenly ng mga oras na iyon. Nagkita sila sa isang coffee shop sa bahaging iyon ng Quezon Avenue pagkatapos ng trabaho.

"Hayup pala ang Gordon na 'yan!" nanggagalaiting sabi ni Kenly nang malaman ang ginawa nito kay Cheska. "Wanted na nga, ang lakas pa ng loob na pagtangkaan kang gawan ng masama. Naku, mabuti na lang talaga at naisipang balikan ni Jerimie ang cellphone niya. Kung nagkataon pala, paano ka na, girl?"

"Takot na takot ako no'n. Malamang nagtagumpay siya sa balak niya kung hindi dumating si Jerimie." Pinipilit maging kalmado ni Cheska. Kapag naaala niya ang nangyari, bumabalik pa rin ang parehong takot at kabang naramdaman niya habang nakangisi sa harap niya si Gordon.

"Nag-aalala nga rin sa'yo sina Mariel at Portia. Kasalanan talaga namin ito. Kung hindi namin siya hinanap para ireto sa'yo, hindi sana kayo nagkitang muli. Hindi niya sana nalaman kung saan ka nakatira."

"Nakausap ko na sina Mariel at Portia. Tumawag sila kaagad nang malaman nila ang nangyari. Nasa presinto pa kami no'ng nag-text ako sa inyo para ibalita ang nangyari. Tumawag kaagad sila para alamin kung okay lang ba ako."

"Hindi na ako nakatawag sa'yo kasi no'ng hindi mo sinagot ang mga tawag ko, akala ko tulog ka na. Kaya natulog na ako. Umaga na no'ng mabasa ko ang message mo," paliwanag ni Kenly. "Kaya pala 'di mo sinasagot ang tawag ko, may masama na palang nangyayari sa'yo."

"Mabuti na rin siguro na nangyari iyon. At least, nahuli na rin si Gordon at makukulong na siya sa kasong isinampa sa kanya ng estudyante niya. Idagdag pa ang mga kaso na isasampa ko. Baka mabulok na siya sa kulungan," seryoso niyang sabi.

"Basta, girl nandito lang ako lagi, ha? Anytime..."

Matipid niyang nginitian ang baklang kaibigan. Alam niyang hindi lang si Kenly ang nariyan lagi para sa kanya. Nariyan din si Portia. Si Mariel. Ang mga magulang niya. At si Jerimie. Ang mahal niyang si Jerimie.

"PAKASAL na kaya tayo..." walang kaabog-abog na sabi ni Jerimie habang nagmamaneho para ihatid si Cheska sa apartment nito.

"Seryoso ka?"

Itinabi ni Jerimie ang kotse sa gilid ng kalsada at ipinarada.

"Hindi kasi ako mapanatag mula nang mangyari ang ginawa ni Gordon. Kapag naiisip ko na mag-isa ka lang sa apartment, hindi ako mapalagay," matapat na sabi nito.

"Okay lang naman ako. Wala naman akong kaaway. Isang linggo nang nakakulong si Gordon. Hindi na niya ako magagawan ng masama."

"Kahit na. Maybe, this is the right time for me to start a family," sabi nito sa mahinang tinig habang nakatitig sa kanya. "I want to be beside you always. I want to protect you. Gusto kong alagaan ka ngayon hanggang sa huling hugot ng aking hininga."

Nanlaki ang mga mata ni Cheska.

"Sorry, wala akong dalang singsing. Pasensya ka na rin dahil napaka-unromantic ng proposal ko, dito lang sa kotse, sa gilid ng kalsada. But I still want to ask you... Will you marry me, Cheska?" Pigil ang hininga niya. Kinakabahan siya sa maaaring isagot ng nobya.

Nanginginig ang mga kamay ni Cheska. Pero kahit konti ay wala siyang pagdududa sa kanyang isasagot kay Jerimie, may singsing man o wala.

"Yes, Jerimie. I'll marry you..." nakangiti niyang sagot. Pinahid niya ng kamay ang butil ng luhang biglang tumulo nang hindi niya namamalayan. Para siyang tanga, nakangiti pero umiiyak.

Bigla siyang kinabig ni Jerimie para yakapin. Hindi naging hadlang ang makipot na espasyo sa kotse para mayakap nila ang isa't isa.

"I'm the happiest guy in the world tonight, Cheska. I love you. I really do." Mas hinigpitan pa niya ang yakap sa nobya.

Tall, Daks and HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon