MUNTIK nang mapatili si Cheska nang magbukas ng email sa opisina kinabukasan. Nakita niya na maraming sumagot sa panawagan niya sa paghahanap ng boyfriend. Nakakaloka! Pakiramdam niya ay isa siyang produkto na maraming gustong bumili.
Isa-isa niyang binasa ang resume ng bawat aplikante na umabot sa lagpas animnapu. To think na wala pang 24 hours na naka-post ang advertisement niya. Ganoon ba karami ang mga lalaking desperadong magka-lovelife?
Isa-isa niyang binasa ang mga email. Kinilabutan siya sa ibang aplikante. Sinabi na nga niyang handsome pero may mga nag-apply na mukhang tipaklong. Iyong isa pa nga ay mukhang hindi man lang muna nanalamin bago nagpalitrato. Mukhang "I woke up like this" ang peg dahil parang kagigising lang nito sa ipinadalang close up shot na litrato. Bigla ay parang nagsisi siya kung tama bang sa online dating site siya naghanap ng magiging boyfriend.
Isang resume ang tumawag sa kanyang atensyon.
Medyo tumaas ang kilay niya sa ilang detalyeng nakasulat sa resume nito at gusto na sana niya itong i-delete pero napanganga siya sa litratong naka-attach sa email. Isang lalaking guwapo, matangkad, maganda ang pangangatawan... at tanging shorts lang ang suot!
Kailangan ba talagang shorts lang ang suot? Tumaas ang kilay niya. Iba siya. Iba ang aplikanteng ito.
Hinanap niya sa email ang close up shot na litrato pero wala siyang nakita. Isang picture lang ang in-attach ng Jerimie na ito.
Muli niyang pinagmasdan ang larawan ng lalaki. Ewan pero bakit parang biglang nanuyo ang kanyang lalamunan.
Napalunok siya. Napakaguwapo ng lalaki. Maganda pa ang katawan. Yummy! Tuluyan nang nanuyo ang kanyang lalamunan.
Ang lagpas animnapung aplikante ay sinala niyang mabuti hanggang maging anim na lang. Anim ang pumasa sa kanyang pihikang panlasa. Sinagot niya ang email ng anim na pumasa at ibinigay niya ang detalye para sa interview.
Huwaaattt?! May interview pa talaga?
Oo naman. Paano niya malalaman kung sino ang karapat-dapat niyang maging boyfriend kung hindi niya muna ito kakausapin? Isang paraan din ang interview para malaman niya kung totoo ba ang mga pinaglalagay na impormasyon ng mga ito sa email. Kailangan niyang magsiguro. Kailangang maging maingat siya. Mahirap na ang malagay siya sa peligro dahil sa ginawa niyang ito.
Puwede naman sanang i-text o tawagan na lang niya ang anim na aplikante pero nagdalawang isip siya. Mas okay nang sa email niya ibigay ang detalye ng gagawing interview.
Pagkatapos mag-reply sa email ng kanyang shortlisted applicants ay siniguro niyang burado na ang post niya sa online dating site at saka agad siyang nag-deactivate ng account bago pa tuluyang kumalat sa internet ang kanyang larawan. In fairness, malabo naman ang picture na nilagay niya roon dahil nga kinakabahan siya sa kanyang ginawa. Ngayon ay makakahinga na siya nang maluwag dahil wala nang ebidensya ng kanyang pagkadesperada.
Kasunod noon ay gumawa naman siya ng account sa skype. Gagamitin niya iyon para sa online interview niya sa anim na aplikanteng pumasa sa ginawa niyang screening.
Naloloka na siya sa takbo ng mga pangyayari. Bakit ba siya pumatol sa mga ganitong kagagahan? Kailangan ba niya talagang gawin ang ganito para magka-boyfriend lang?
Hindi ito dapat malaman ng kahit sino sa mga kaibigan niya. Nakakahiya. Baka pagtawanan siya ng mga iyon. Si Kenly nga na bakla hindi nawawalan ng boyfriend, tapos siya na totoong babae kahit isa, wala! Napaka-unfair ng mundo. Buti sana kung pangit siya, matatanggap niya iyon. Kaso, hindi naman siya pangit. Maganda siyang babae. Maganda with a capital M!
Sana ay mabasa agad ng mga aplikante ang email niya. Para maumpisahan na niya ang next level of screening mamayang gabi.
Oo, mamayang gabi. Alangan namang mag-skype siya habang nasa opisina at nagtatrabaho. Baka magtilian ang mga manang na kasamahan niya sa trabaho kapag nakitang pinaghuhubad niya sa skype ng kausap niyang lalaki.
Hubad talaga?
Siyempre! Paano niya malalaman kung daks ang aplikante kung hindi ito maghuhubad?
Napaisip siya. Mukhang mas exciting yata kung sa personal na lang niya interbyuhin ang mga lalaking iyon. Lihim siyang napangiti. Isang napakapilyang ngiti.
"O, bakit natatawa kang mag-isa riyan? Anong nangyayari sa'yo?" Hindi niya namalayan ang paglapit ni Pura, ang kaopisina niyang matandang dalaga na Administrative Officer doon. Forty years old na ito at tumanda na sa pagtatrabaho roon. Masyado itong naging abala sa trabaho at sa pagpapaaral sa mga pamangkin kaya nakalimutan na nito ang buhay pag-ibig.
"H-ha? Ah, w-wala. May naisip lang akong nakatatawang nangyari sa bahay kanina," palusot niya. Mabilis siyang nag-logout sa email.
"Ah, ganoon ba?" Sa tono ni Pura ay mukhang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.
"Ba't ka nga pala nagpunta rito? May kailangan ka ba sa akin?" Binago na niya ang usapan.
"Ah, ire-remind lang sana kita na huwag kaagad umuwi mamaya para mapag-usapan 'yong next project natin sa La Union. Kailangan na nating i-finalize ang project dahil next month na iyon mag-uumpisa."
Nakangiti siyang tumango. "Oo, hindi ko naman nakalimutan."
"Sige, kita na lang tayo mamayang lunch." Kumaway pa ito sa kanya bago naglakad pabalik sa puwesto nito.
Inatupag na niya ang trabaho. Mamaya na lang niya babalikan ang email niya pagkauwi niya sa bahay.
Nang magsimula ang meeting nila pagkatapos ng trabaho ay nagulat pa siya sa sinabi ni Pura.
"We will be giving this project to you, Cheska. So next month, you will be going to La Union to spearhead this project."
"Ako lang mag-isa?"
"Alam mo naman na kulang tayo sa tao. Umaasa lang tayo sa mga volunteer. Kung may mahahanap tayong volunteers, puwede ka naming bigyan ng isa or dalawang kasama. Two weeks ka lang naman doon sa La Union."
Marahan na lang siyang napatango tanda ng pagsang-ayon.
"So, okay na tayo?" tanong ni Pura.
"Yeah, I'll take this project." Kung meron man siyang isang magandang katangian, iyon ay ang wilingness niyang sumubok ng mga bagay na iba sa nakasanayan na niya. Willingness to do things out of her comfort zone. Eh, ano ba kung wala siyang makasama? La Union lang iyon. Isang sakay lang ng bus papunta roon.
Pagod na pagod siya nang makauwi mula sa trabaho. As usual, kinain na naman ng trapik ang oras niya. Agad siyang humilata sa kama nang hindi pa nagpapalit ng damit. Gusto na tuloy niyang matulog.
Napabalikwas siya ng bangon. Bigla niyang naalalang kailangan pa niyang mag-online ngayong gabi.
Binuksan niya ang kanyang laptop at nag-login sa email niya. Isang aplikante ang agad niyang nakitang nag-reply sa kanya. Napangiti siya. Sa anim na aplikanteng pumasa sa initial screening niya, isa ang lalaking ito sa pinakaguwapo.
Si Rodney Samonte.
BINABASA MO ANG
Tall, Daks and Handsome
HumorSa panahong milenyal, marami na ang ipinagbago ng lipunan. Pati ang dreamboy ng mga kababaihan ay nagbago na rin. Kung dati'y Tall Dark and Handsome ang ideal man nila, ngayon naman ay TALL DAKS AND HANDSOME na. Cover Design: @greatfairy (Jean Ser...