Chapter 5

19.9K 414 47
                                    

ANG huling aplikante ni Cheska ay si Roberto Serrano. Akala niya ay malabo lang ang rehistro ng lalaki sa camera ng laptop. Bakit mukhang matanda yata ang ka-skype niya?

"Lolo, sigurado ba kayong nag-a-apply kayo para maging boyfriend ko?" Hindi niya maintindihan kung paanong pagtrato ang ibibigay niya sa matanda. Minabuti niyang ibigay rito ang respeto ayon sa edad nito.

"Siguradong-sigurado ako, hija." Abot tenga ang pagkakangiti ng matanda.

"Eh, sobrang laki po ng agwat ng edad natin," nag-aalangang sagot niya.

"Hija, katawan ko lang ang matanda. Pero ang puso ko't kaluluwa ay bata pa rin. Mapapatunayan ko 'yan sa'yo kapag ako ang mapipili mo para maging nobyo mo." Hindi nawala ang kumpiyansa nito sa sarili.

"Diyos ko po! Matanda pa kayo sa tatay ko. Ilang taon na po ba kayo?"

"Seventy-six lang ako. Malakas pa ang katawan ko. Nagjo-jogging pa nga ako sa paligid ng subdivision araw-araw."

Napangiwi siya. "Wala na po ba kayong asawa? Nasaan po ang pamilya mo?"

"Biyudo na ako. Ang mga anak ko naman ay may mga asawa na. Nasa America ang dalawa. Nasa Italy 'yong isa. Kasama ko lang sa bahay ay ang bunsong anak ko at ang asawa niya. Wala pa silang anak."

"Alam mo po, pinili ko kayo kasi iyong litratong ibinigay n'yo, napakagwapo at nakalagay sa resume na 28 years old lang kayo."

"Eh, ako naman talaga iyang nasa litrato. At totoo namang 28 years old lang ako diyan."

Natampal ni Cheska ang noo niya. "Guwapo naman po kayo noong kabataan n'yo. Pero dahil 76 years old na po kayo ngayon, hindi ko po kayo mapipili para maging boyfriend ko."

"Matangkad din ako, 5'10" ang height ko." Pursigido ang matanda na mapili siya ni Cheska.

"Kahit na po, lolo. Hindi talaga puwede."

"At malaki ang pag-aari ko. Hindi ba't daks ang gusto mo? Hindi ka na lugi sa akin. Gusto mo bang makita para maniwala ka?"

"Hesusmaryosep!"

"Itinanong ko pa nga sa manugang ko kung ano ba 'yong daks. Buti na lang alam niya. Nagtaka pa nga kung bakit ko raw tinatanong. Sinabi ko na lang na narinig kong pinag-uusapan ng mga kasambahay ng kapitbahay namin."

"Hindi po talaga puwede, lolo. Isa pa, wala ka namang trabaho. Nakalagay po sa qualifications dapat may trabaho."

"Pero may pension naman ako. Mataas ang posisyon ko sa kompanya noong hindi pa ako nagre-retire."

Ang lakas ng fighting spirit ng matandang ito. "Eh, sige po, lolo. Tatawagan ko na lang po kayo kapag kayo ang napili ko."

"Aasahan ko 'yan, ha? Sana, huwag mo akong bibiguin."

Ngiii! Dyuskupo! "Mag-e-email na lang po ako. Maraming salamat po."

Nakahinga siya nang maluwag nang mawala na sa screen ng laptop ang matandang lalaki. What a night! Nakakapagod din palang mag-skype. At nakaka-tense!

Tatlo lang ang puwede niyang pagpilian para maging boyfriend. Si Rodney, si Uriel, at si Jerimie. Problema lang, puro may sablay pa rin sa tatlong lalaking iyon. Pero bakit ba siya magpapaka-choosy eh, kunwari lang naman? Siguro, pipiliin na lang niya iyong sa tingin niya ay best choice sa tatlong boyfriend applicants niya.

Nagpasya siyang mag-shower para makapagpahinga na. Dahil sa pagod at preskong pakiramdam dulot ng katatapos na paliligo ay mabilis siyang nakatulog.

Nagising siya sa alarm ng cellphone. Sanay na siyang magising araw-araw dahil sa tunog nito. May mga pagkakataon pa ngang mas nauuna siyang magising ng ilang minuto bago pa ito tumunog. Nasanay na siguro ang sistema niya na magising nang ganoong oras.

Nag-inat pa siya pagkatapos bumangon. Tapos ay tumuloy siya sa bathroom para maligo na.

Habang naliligo ay tumatakbo ang isip niya kung sino sa tatlong natitirang aplikante ang kanyang pipiliin para magpanggap na boyfriend niya.

Si Rodney ba na makulit at maboka? May oras ba ito para samahan siya kapag may lakad sila ng mga kaibigan niya?

Si Uriel ba na okay na okay sana, kaso maliit ang itinatagong kinabukasan? Pero hindi naman malalaman ng mga kaibigan niya kung ano man ang size ng meron si Uriel. At saka mukhang napakabait ng lalaking iyon. Boyfriend material talaga.

Si Jerimie naman, okay din sana kaso pilosopo at mahilig makipagtalo. Laging may opinyon sa mga bagay-bagay. Hindi nagpapatalo. Pero sa kanilang tatlo, ito ang pinakaguwapo. Mas guwapo pa ito kay Rodney na akala niya dati ay pinakapogi na sa lahat ng pumasa sa initial screening. Nang maka-skype na niya ang mga ito ay saka niya napatunayan na si Jerimie ang pinakamagandang lalaki sa mga ito.

Pero maliban sa gandang lalaki ay naalala niya ang sinabi nito tungkol sa mga lalaking basta na lang pumapayag na magpakita ng kuwan sa ibang tao. May punto naman ito. But on the second thought, hindi naman puwedeng alisin ang katotohanang may mga taong wala naman talagang malisya sa katawan at ang paghuhubad ay isang natural o normal na bagay lang. Baka naman sanay lang sina Rodney at Uriel na maghubad dahil confident sila sa kanilang katawan... at itinatagong pribadong bahagi.

Haay! Sino ba ang pipiliin ko?

Natapos siyang maligo nang wala pa ring desisyong nabubuo sa kanyang isipan. Bahala na mamaya kung sino ang piliin niya. Mag-e-email na lang siya sa tatlong lalaki para sabihin sa mga ito ang kanyang desisyon. No, anim pala ang padadalhan niya ng email. Pati iyong tatlong hindi niya nagustuhan ay padadalhan na rin niya ng email. She owes it to those guys na nag-effort na mag-respond sa panawagan niya sa online dating site na iyon.

Pagdating sa opisina ay kaagad niyang inasikaso ang mga trabahong hindi niya natapos kahapon at bago pa mag-lunch break ay tapos na niya ang lahat ng mga dapat gawin.

Bago pa umuwi ay nakapag-compose na siya ng email para sa mga aplikanteng hindi niya mapipili.

Hi!

I regret to inform you that you did not pass the second screening to be my dummy boyfriend.

Thank you for giving me your time and efforts anyway.

Best regards,

Cheska

Binasa niyang mabuti ang nakasulat doon pagkatapos ay isa-isa niyang ipinadala sa limang lalaking hindi niya napili.

Kasunod niyang ginawa ay ang email para sa lalaking pinili niya para magpanggap na boyfriend niya. Kailangan pa niyang kausapin ulit ang lalaking ito para mapag-usapan nila ang mga kondisyon ng gagawing pagpapanggap pati na rin kung magkano ang ibabayad niya sa mapalad na lalaki.

Mapalad talaga?

Oo, naman! First boyfriend ko siya, ah. Hindi naman lugi kung sino man ang magiging unang boyfriend ko, sabi niya sa sarili.

Kawawa naman. First boyfriend pa nga lang, peke pa. Kunwaring boyfriend lang.

Ano kaya ang sasabihin ng nga kaibigan niya kapag nalaman kung ano ang ginawa niya para lang magkaroon ng boyfriend?

Wala na siyang pakialam kung ano man ang sasabihin nila. Basta ang mahalaga ay magagawa na niyang makipagsabayan sa mga ito at hindi na siya magiging paksa ng katatawanan.

Tall, Daks and HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon