NAGSALUBONG ang kilay ni Jerimie. Bakit biglang nagtanong si Cheska ng tungkol sa pagkatao niya?
"May problema ba tayo?" prangkang tanong niya kay Cheska sa paraang hindi naman ito mao-offend.
"Wala naman. Naisip ko lang na tutal madalas na tayong magkakasama, hindi naman siguro masamang makilala natin nang totoo ang isa't-isa," palusot niya. Bumubuwelo pa siya kung paano isisingit ang gusto niya talagang itanong.
"Ano exactly ang gusto mong malaman tungkol sa akin?"
Sasagot na sana siya pero pumasok sa silid ang waiter na dala ang in-order nilang pagkain kaya hindi na muna siya nagsalita.
Nang makaalis ang waiter ay naunahan naman siya ni Jerimie. "Kain na muna tayo. Puwede naman tayong mag-usap habang kumakain."
"Ah, s-sige..." Tiningnan niya ang mga pagkain sa mesa at naglagay ng konting Peruvian fried rice sa kanyang plato. Kumuha rin siya ng isang slice ng boneless ribeye steak.
Pagkatapos ay si Jerimie naman ang naglagay ng pagkain sa kanyang plato.
Nagsimula silang kumain. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ni Jerimie si Cheska.
"As I was saying, ano exactly ang gusto mong malaman sa akin?" muli niyang tanong pagkatapos sumubo ng steak.
Nilunok muna ni Cheska ang laman ng kanyang bibig bago siya sumagot, "The usual things lang naman. Iyong tipong mga bagay na a normal friend would know about her friend."
"Okay, sige. Tanungin mo na lang ako ng mga gusto mong malaman. At sa bawat tanong mo sa akin, kailangang sagutin mo rin ang kaparehong tanong, para fair," nakangiti niyang sabi. "Ano, deal?"
Tumango si Cheska. "Deal." Muli siyang sumubo ng fried rice. Tinikman na rin niya ang prawn soup na kasama sa mga in-order ni Jerimie.
BINABASA MO ANG
Tall, Daks and Handsome
HumorSa panahong milenyal, marami na ang ipinagbago ng lipunan. Pati ang dreamboy ng mga kababaihan ay nagbago na rin. Kung dati'y Tall Dark and Handsome ang ideal man nila, ngayon naman ay TALL DAKS AND HANDSOME na. Cover Design: @greatfairy (Jean Ser...