KAAGAD na tumayo si Jerome at lumabas ng silid para puntahan si Maddy. Pero naka-lock ang pinto ng silid nito.
"God! Maddy! Get out of the room!" Kinalampag niya nang malakas ang pinto, sunod-sunod. "Maddy!"
Bumalik siya sa kanyang kuwarto at mabilis na kinuha ang mga susi sa kanyang drawer. Pagkatapos ay tumakbo siya pabalik sa silid ni Maddy.
Natatarantang sinusian niya ang pintuan para mabuksan ang silid.
"Maddy!" Lumatag ang hilakbot sa mukha ni Jerome nang makita ang walang malay na buntis na nakahandusay sa sahig. Mabuti na lamang at ang apoy ay gumapang paitaas at hindi paikot sa kabuuan ng silid. Kung nagkataon, baka kanina pa nasunog ang kawawang babae.
Tinakbo niya si Maddy at agad na binuhat para ilabas ng kuwarto. Pero bago siya nakalabas ng kuwato ay bumagsak ang isang bahagi ng kisame at humarang sa kanyang daraanan. Kung hindi sa mabilis niyang pag-iwas ay baka humampas sa katawan nila ni Maddy ang nahulog na umaapoy na tabla.
Gumilid si Jerome para tuluyang makalabas ng silid. Itatakbo na sana niya papalabas ng tinitirhan nilang bungalow si Maddy nang maalala niya si Jerimie. Maaga itong natulog dahil mataas ang lagnat nto nang umuwi galing sa trabaho.
Karga si Maddy na nagtungo siya sa silid ni Jerimie para gisingin ito. Mukhang wala pa rin itong kamalay-malay na nasusunog na ang buong bahay nila.
Pagdating sa labas ng kuwarto ni Jerimie ay ubod lakas niya itong tinawag.
"Jerimie! Jerimie, bumangon ka! Nasusunog ang bahay!" Hindi niya makatok ang pinto dahil buhat niya si Maddy kaya sinubukan na lang niya itong tadyakan para mas makalampag ang taong natutulog sa loob.
Ang sunog ay patuloy na lumalaki dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy. Luma na ang bahay nila. Bata pa lang sina Jerome at Jerimie ay dito an sila nakatira kaya ang tuyong-tuyong kahoy na bahagi ng bahay na iyon ay nakatulong pa para mas madaling kumalat ang apoy na tumutupok sa bawat bahagi ng bahay na nadaraanan nito.
"Jeremie!"
Nang hindi pa rin lumabas ang kakambal ay ibinaba niya si Maddy sa sahig para mabuksan niya ang pinto ng silid. Mabilis niyang sinusian ang doorknob at nang bumukas ang pinto ay tinakbo niya si Jeremie para gisingin.
"Jeremie, bumangon ka!" Niyugyog niya ang kakambal para agad itong magising.
Nagmulat ng mga mata si Jerimie at may pagtataka sa mukhang nagtanong, "Bakit? Anong nangyari?"
"Aaahhh!!!" Mula sa labas ng kuwarto ay narinig nilang tumili si Maddy. Nagkamalay na ito at nakita marahil ang malaking apoy na tumutupok sa buong kabahayan.
"Maddy!" Hindi malaman ni Jerome kung sino ang unang dadaluhan. Ang may sakit bang kakambal o ang babaeng kanyang minamahal?
Tumayo si Jerimie pero nakaramdam siya ng pangangalog ng tuhod. Nanginginig din siya sa hindi maipaliwanag na ginaw. "Nahihilo ako..."
"Nasusunog ang bahay. Halika, kailangang makaabas na tayo bago pa tayo makulong ng apoy rito." Hinakawan niya sa braso ang kakambal at naglakad papalabas ng silid.
Naabutan nila si Maddy na umiiyak. "Masusunog tayo! Mamamatay na tayo!"histerikal na ang babae. Tila nawala ang kalasingan nito sa nakitang kasalukuyang sitwasyon.
Humawak ka sa akin, Maddy! Huwag kang bibitiw anuman ang mangyari."
Magkasabay silang naglakad papunta sa labas ng bahay. Hawak ni Jerome ang kanang braso ni Jerimie samantalang nakahawak naman si Maddy sa isang kamay niya. Ingat na ingat sila dahil malaking bahagi na ng bahay ang napinsala ng apoy. Isang bahagi ng bahay ang nakita nilang bumagsak sa labas ng silid ni Jerome. Mabuti na lang pala at wala na sila roon.
Malapit na silang makalabas nang biglang natumba si Jerimie. Hindi na kinaya ng tuhod nito ang panginginig ng katawan.
"Jerimie!" Tinulungan niyang makabangon ang kakambal. "Tumakbo ka na sa labas, Maddy!" utos niya sa babae na mabilis namang sumunod.
Nasa ganoon silang sitwasyon nang makita ni Jerome ang isang pabagsak na nag-aapoy na kisame. Sa kalkula niya ay saktong babagsak sa katawan nilang dalawa ang umaapoy na kamatayan!
Hindi nag-aksaya ng oras si Jerome. Kaagad niyang itinulak nang ubod-lakas ang kakambal papunta sa may pintuan. Nawalan ng panimbang si Jerimie sa hindi inaasahang gagawin ng kakambal kaya sumadsad ito sa sementadong sahig.
"Jerome!!!" Napuno ng hilakbot ang buong pagkatao ni Maddy nang makitang bumagsak ang nag-aapoy na kisame at sumaklob sa katawan ni Jerome.
"Aaahhh!!!" Dinig na dinig nila ang panaghoy ni Jerome habang nilalamon ng apoy ang katawan nito, pero wala silang magawa.
"Jerome..." Pumatak ang luha ni Jerimie. Kitang-kita niya kung paanong nilamon ng apoy ang kanyang kakambal sa mismong harapan niya. Gusto niyang tumayo at tulungan ito pero hindi siya makagalaw. Wala na siyang nagawa kung hindi iyakan ang malagim na sinapit ng kanyang kapatid.
Agad na umuwi ng Pilipinas ang mga magulang nila upang ihatid sa huling hantungan si Jerome. Pagkatapos ng libing ay bumalik din agad ang mga ito sa America. Pinipilit na nga nilang isama si Jerimie pero mahigpit itong tumanggi. Bago bumalik sa America ay bumili sila ng bahay at ibinigay kay Maddy. Ayaw naman nilang ipanganak ang kanilang apo nang walang maayos na tirahan ang ina nito.
Nang ipinanganak ni Maddy si Zinnia ay napakapayat ng sanggol. Maliban pa rito, may congenital heart disease ito na nakuha sa sobrang paninigarilyo ni Maddy sa panahong ipinagbubuntis nito ang anak. Sa tulong ni Jerimie ay nagawa ang mga kinakailangang operasyon para madugtungan ang buhay ni Zinnia.
Nagamit ni Zinnia ang apelyido ni Jerome dahil sa kasulatang iniwan nito sa kaibigan nitong abogado na nagsasaad na ito ang ama ng ipinagbubuntis ni Maddy at kinikilala nito ang bata. Lahat ng shares ni Jerome sa mga naiwan nitong negosyo ay kay Zinnia rin mapupunta pagdating nito sa tamang edad. Habang bata pa, si Jerimie ang ginawa nitong tagapamahala ng mga naiwan nito para sa anak. Buwan-buwan ay nakatatanggap ng sustento si Zinnia. Sapat na ang halagang iyon para sa mga pangangailangan ng bata at ng kanyang ina.
HANGGANG ngayon, kapag naaalala ni Jerimie ang mga nangyari sa kakambal ay hindi niya maiwasan ang mapaluha. Mahal na mahal niya ang kanyang kakambal na siyang una niyang naging kaibigan at karamay sa lahat ng problema. Kaya bilang pagtanaw ng utang na loob rito sa ginawa nitong pagliligtas sa buhay niya, ipinangako ni Jerimie sa sarili na gagawin niya ang lahat upang mapahaba pa ang buhay ni Zinnia, sukdulan mang ubusin niya ang lahat ng kabuhayang mayroon siya, at ilaan pati na ang buong oras niya.
Author's Note:
Kung mayroon kayong Twitter at Instagram, puwede n'yo akong i-follow doon. Search n'yo lang yung username ko: MANRVINM.
THANK YOU SA PAGBABASA N'YO SA KUWENTO NINA CHESKA AT JERIMIE.
40.5K READS NA TAYO!
BINABASA MO ANG
Tall, Daks and Handsome
HumorSa panahong milenyal, marami na ang ipinagbago ng lipunan. Pati ang dreamboy ng mga kababaihan ay nagbago na rin. Kung dati'y Tall Dark and Handsome ang ideal man nila, ngayon naman ay TALL DAKS AND HANDSOME na. Cover Design: @greatfairy (Jean Ser...