Chapter 14

14.3K 359 11
                                    

MAAGANG nagising si Cheska kinabukasan. Pero ang akala niyang maagang paggising ay naunahan pa pala ng mas maagang paggising ni Jerimie.

"Gising ka na agad?" bungad niya rito nang makita niyang abala na ito sa kusina.

"Tamang-tama ang gising mo. Breakfast is ready!" Ipinakita pa nito sa kanya ang hawak na kakukuha lang nito sa oven.

"Ano 'yan? Pie?"

"Quiche. Spinach quiche," pagmamalaki nito. "Tikman mo, pero bago gawin iyon, tandaan mo munang mabuti ang pangalan mo at baka makalimutan mo kapag nalasahan mo na itong specialty ko." Ipinatong nito sa mesa ang hawak na pastry at hiniwa sa walong piraso.

"Teka, parang ganyan 'yung kinain natin doon sa restaurant noong una tayong magkita, ah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Teka, parang ganyan 'yung kinain natin doon sa restaurant noong una tayong magkita, ah. Hindi ba?"

"Hmm, yup! Nag-order nga tayo ng quiche doon. Pero iba siyempre ang version ko. I used a low-calorie and low-fat ingredients to make it healthier. At saka, marami rin akong nilagay na spinach. Umupo ka na at mag-almusal. May fresh kalamansi juice diyan sa pitsel. Or gusto mo bang mag-coffee?"

Umupo na siya. "Okay na sa akin itong juice. Ang sipag mo namang magluto," pansin niya rito. "Kumain ka na rin."

"Dalawa ang ginawa kong quiche. Dadalhin natin sa mga volunteer mo itong isa, pati na rin ang matitira natin dito."

Tinikman ni Cheska ang spinach quiche, ninamnam niya ang lasa. "Masarap, ah. Halos kapareho ang lasa noong kinain natin sa restaurant. Ba't 'di ka magtayo ng restaurant business? Sayang ang talent mo sa pagluluto. Iyong bistek mo kagabi, superb din ang lasa. Siguro marami ka pang ibang alam na lutuin."

"That you have to find out." Nagsalin ito ng juice sa baso at iniabot kay Cheska. "Eto, o baka mabulunan ka."

Pagkatapos mag-almusal ay naghanda na silang dalawa para pumunta sa covered court.

Inaasahan na ni Cheska na bigla na lang susulpot si Elsa para sumabay sa kanila pero hanggang sa makarating sila sa covered court ay hindi niya nakikita ang kapitana.

Lumapit siya sa grupo ni Kathy dala ang pagkaing niluto ni Jerimie.

"Kathy, eto o, paghatian n'yo na lang ito. Maagang gumising si Jerimie para mag-bake niyan. Pinabibigay niya sa inyo. Nagdala na rin kami ng thermos, disposable cups at 3 in 1 instant coffee para makapagtimpla kayo ng kape anytime."

Nagliwanag ang mukha ni Kathy. "Salamat, Ms. Cheska. Tamang-tama ito para sa break time mamaya o iyong iba sa amin na hindi pa nakapag-almusal."

"Kapag may kailangan kayo, sabihan mo ako kaagad, ha?" bilin niya rito.

Tumango si Kathy at pagkatapos ay iniwan na niya ito.

Pabalik na siya sa sasakyan para tawagin si Jerimie nang makita niya ito na may kausap sa cellphone. Kung titingnan ang itsura nito ay bakas dito ang pag-aalala.

Napahinto siya. Sino kaya ang kausap ni Jerimie? Bakit parang hindi ito mapakali?

Nang matapos ang pakikipag-usap nito ay nakita niyang papalapit na sa kanya ang binata.

"Cheska!"

"May problema ba?" agad niyang tanong.

"May emergency lang sa Manila. Kailangan ko munang bumalik doon. Okay lang bang iwanan muna kita rito?" tanong ng binata na hindi nawawala ang pag-aalala sa mukha nito. "Promise, babalik din ako. Aayusin ko lang 'yong problema."

"Anong problema iyon? Trabaho ba?" curious niyang tanong.

"Basta, saka ko na lang ikukuwento sa'yo. Ano, kaya mo bang mag-isa muna rito?"

"Oo naman. Sige, lumuwas ka na para 'di ka abutin ng gabi sa daan."

"Dadalhin ko 'yong sasakyan. Iiwan ko na lang sa bahay 'yong mga sobrang supplies. Eto nga pala ang susi sa bahay." Iniabot niya ito kay Cheska.

Kinuha niya ang susi. "Mag-iingat ka... sa daan."

"Ikaw rin. Basta, babalik ako. Bye..."

Tinanaw na lang niya ito habang papalayo ito sa kanya, maging nang sumakay na ito at paandarin ang sasakyan.

Mabilis ang pagpapaandar ni Jerimie ng sasakyan. Pupunta pa siya sa bahay dahil kukunin niya ang kanyang bag. Plano naman talaga niyang bumalik at puwede ngang hindi na niya dalhin ang kanyang mga gamit. Pero paano kung hindi kaagad maayos amg problema? Ayaw naman niyang mahirapan pa si Cheska sa pagbitbit ng mga gamit niya. Sana lang talaga ay maayos niya kaagad ang mga dapat ayusin.

Ipinarada niya sa tapat ng bahay ang sasakyan at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Ilang saglit lang ay papalabas na siya bitbit ang bag niyang naglalaman ng lahat ng mga gamit na dala niya rito sa La Union.

Pasakay na siya sa sasakyan ng may tumawag sa kanya.

"Jerimie!" Nakita niya si Elsa na kalalabas lang din ng bahay nito, may bitbit itong knapsack.

"Saan ang punta?" tanong niya rito.

"Sa Maynila, a-attend ako ng kasal ng best friend ko. Sa makalawa na iyon pero kailangan ko nang lumuwas para mag-fitting ng gown bukas. Ikaw, bakit ka nandito? At bakit bitbit mo 'yang bag mo?" nagtatakang tanong nito.

"Kailangan kong bumalik ng Maynila ngayon. May importante akong kailangang asikasuhin," sabi niya rito. "Kung gusto mo, sumabay ka na sa akin. Ihahatid na lang kita kung saan ka man tutuloy doon." Bukal sa loob ang kanyang paanyaya.

"Hindi ba nakakahiya sa'yo? Baka makaabala ako..." Ang totoo'y gusto na nitong sumakay kaagad sa sasakyan.

"Pareho lang naman tayong pupunta ng Manila. Mas mapapabilis ang byahe mo kung sasabay ka sa akin."

"Sabagay, totoo 'yan. At mas kumportable ang byahe kung sasabay ako sa'yo," dugtong pa nito sa sinabi ni Jerimie. "Kaya kung talagang mapilit ka, sige pasabay na lang hanggang Manila." Muling inilabas ni Elsa ang kanyang signature smile kapag kaharap niya si Jerimie.

"Sige, sakay na."

Dali-daling binuksan ni Elsa ang pinto ng sasakyan at umupo sa paborito niyang puwesto sa sasakyang iyon.

Naging maayos ang byahe nilang dalawa patungong Maynila.

PAG-UWI ni Cheska ay saka siya nakadama ng lungkot. Mag-isa lang siya rito sa bahay. Bigla ay naisip niya si Jerimie. Ang laki pala ng diperensya kapag wala ito at hindi niya kasama. Sana bumalik kaagad ito. Pero makababalik pa nga ba? Hindi naman nito obligasyon na samahan siya rito sa La Union. Nasilip niya mula sa bintana ng kuwarto ang bahay sa tapat. Iyon ang bahay ni Elsa. Madilim. Walang tao? Nasaan kaya si Kapitana? O baka naman tulog na. Pero maaga pa para matulog. Maghapon niyang hindi ito nakita sa covered court. Si Kagawad Lourdes ang nagbantay sa kanila kanina, kasama ang ilang barangay tanod. Hindi naman siya nakapagtanong kay Kagawad Lourdes dahil naisip niyang hindi naman required na present doon si Elsa araw-araw. Puwede itong bumisita anytime na gustuhin nito. Pero hindi niya ito puwedeng obligahin na pumunta roon kung ayaw nito.

Sandali siyang humiga para magpahinga. Mamaya na lang niya kakainin ang binili niyang pagkain sa carinderia. Nag-set siya ng alarm clock sa cellphone niya para siguradong magigising siya sakaling bigla na naman siyang makatulog. Muli, sumagi sa isip niya si Jerimie na matiyaga siyang ginigising para sabihing kakain na.

Ang lungkot!

Ang lungkot 'pag wala si Jerimie.

At nami-miss na niya kaagad ito.

Tall, Daks and HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon