"O, bakit wala kang kibo diyan?" tanong ni Jerimie habang nagbibiyahe na sila papuntang La Union. "Huwag mong sabihing hindi ka pa rin maka-move on dahil sa nalaman mong trabaho ko."
"Akala mo naman naniniwala ako na company driver ka? Asa!" singhal niya rito na nagpangiti lang sa binata.
"Hindi naman kita pinipilit na maniwala," sabi ng lalaki na tuloy lang sa pagmamaneho at hindi tumitingin sa katabi. Binuksan nito ang radio. "Makinig ka na lang ng music para 'di ka mainip sa biyahe."
"...And here's a song especially dedicated to my friend, Cheska. Magpakita ka agad sa amin pagbalik mo ng Manila."
Nagsimulang tumugtog ang isang pamilyar na awitin.
Napatingin sa kanya si Jerimie at huling-huli nito ang pagngiti niya. "Ikaw ba 'yong Cheska na sinabi no'ng DJ?"
"Oo. Kaibigan ko 'yan, si Mariel. Classmate ko noong college."
"Tiyempo ang pagbukas ko ng radio, narinig mo ang message niya para sa'yo."
"Araw-araw namang ginagawa niya 'yan," kaswal niyang sagot. "Nagde-dedicate siya ng kanta sa aming mga kaibigan niya."
"So, isa siya sa mga ipakikilala mo sa akin pagkatapos ng project mo sa La Union? Sino pa 'yong iba?"
Si Kenly Salviejo at Portia Dela Cruz. Mga kaibigan ko since college."
"Portia Dela Cruz? Iyong newscaster?"
"Oo. Kilala mo?"
"Not personally," nagkibit-balikat ito. "Mga sikat na tao pala ang mga kaibigan mo. Si Kenly, ano naman ang work niya?"
"Same station kung saan nagwowork si Portia, pero behind the camera si Kenly."
Napatango si Jerimie.
"Don' worry, mababait naman sila."
"I'm not worried. At all." Mas pinabilis pa niya ang takbo ng kanilang sasakyan. Nasa Pampanga area na sila. "Kain muna tayo, pagdaan natin sa Tarlac."
"Ikaw ang bahala."
"Mukhang gagabihin na tayo bago makarating sa La Union. Pero okay lang, marami namang puwedeng pagpalipasan ng gabi doon. Ang iniisip ko lang, baka masyado kang mapagod sa biyahe."
"Sanay ako. Trabaho ko ito, remember," sagot niya.
"Sabagay..." Sinulyapan niya si Cheska. "Kapag gusto mong umidlip, idlip ka lang diyan. Ako na ang bahala rito."
Umayos ng pagkakasandal sa upuan si Cheska ang in-enjoy ang magandang musikang tumutugtog sa radyo. Wala siyang balak umidlip, pero hindi niya namalayan na hinihila na siya ng antok. Nagising na lang siya nang marahan siyang tapikin ni Jerimie.
"Gising na, nasa Tarlac na tayo. Kain muna tayo. Malayo pa ang ibibiyahe natin," sabi nito sa malamyos na tinig. Bakit ba iba ang dating sa kanya ng boses nito? Kakaiba ito sa nakasanayan na niyang boses nito kapag namimilosopo. Ngayon ay para siyang idinuduyan nito at gusto niyang matulog muli.
"Halika na." Bumaba na ng sasakyan si Jerimie at pumunta sa kabilang side upang buksan ang pinto.
Inalalayan niya si Cheska habang bumababa ito ng sasakyan. Feeling prinsesa ang babae.
"Huwag mo na akong alalayan. Ang lakas maka-Barbie, eh."
"Ganoon naman kasi dapat ang boyfriend, 'di ba? Gentleman."
Umarko ang kilay niya. Hindi niya alam kung seryoso ba ito o nag-uumpisa na namang mang-asar.
"O, bakit? May nasabi ba akong mali?" natatawa niyang sita sa dalaga. "Totoo namang ganito dapat ang gawin ng boyfriend sa girlfriend niya, ah!"
BINABASA MO ANG
Tall, Daks and Handsome
HumorSa panahong milenyal, marami na ang ipinagbago ng lipunan. Pati ang dreamboy ng mga kababaihan ay nagbago na rin. Kung dati'y Tall Dark and Handsome ang ideal man nila, ngayon naman ay TALL DAKS AND HANDSOME na. Cover Design: @greatfairy (Jean Ser...