Chapter 43

10.7K 276 29
                                    

HABANG nakahinto ang kotse ni Jerimie dahil traffic ay wala sa sariling napadukot ito sa bulsa ng kanyang pantalon. Natigilan siya nang mapansing wala ang kanyang cellphone. At saka niya naalalang ipinatong nga pala niya ang telepono sa center table sa salas ng apartment ni Cheska.

Nag-U-turn siya at sumibad pabalik sa apartment ng nobya.

TULUYAN nang sinaniban ng kademonyohan ang utak ni Gordon nang tumambad sa kanya ang halos hubad na itaas na bahagi ng katawan ni Cheska nang tuluyan niyang mapunit ang damit nito.

Rumehistro ang marubdob na takot sa mukha ni Cheska. Pero hindi siya nasiraan ng loob. Ang isang pusang natatapakan ang buntot, siguradong kakagat o mangangalmot.

Binuhos niya ang buong lakas at pinagsasampal sa mukha si Gordon. Tinangka niyang ilayo ang mukha nito sa kanya dahil pinipilit ni Gordon na halikan siya. Subalit totoong iba ang natural na lakas ng isang lalaki. At si Gordon ay mas malakas kay Cheska.

Isang matinding suntok sa sikmura ang nagpatahimik kay Cheska. Tila naubusan siya ng hangin sa katawan at dahan-dahang naupos dahil sa sakit na dumapo sa kanyang sikmura.

Namilipit sa sakit si Cheska. Mas lalo namang nanabik si Gordon nang makitang tila nahihirapan ang babae.

Binuhat ni Gordon si Cheska. Manlalaban pa sana siya pero inunahan na siya ng lalaki. "Huwag ka nang manlaban. Wala ring mangyayari. Walang tutulong sa'yo rito," mariing sabi nito sa halos pabulong na tinig.

Ibinagsak nito si Cheska sa kama. Pagkatapos ay binunot nito sa likurang bulsa ng suot nitong pantalon ang isang patalim at itinutok sa pinagnanasaang dalaga.

"Subukan mong sumigaw, hindi ako magdadalawang-isip na ibaon sa katawan mo ang patalim na 'to," babala sa kanya ng lalaki.

Umiling si Cheska. Sunod-sunod. "Hindi. Huwag, Gordon. Wala akong ginagawang masama sa'yo."

Nagpakawala si Gordon ng isang mataginting na halakhak.

Tahimik na umiiyak si Cheska. Naghalo na ang pawis at luha sa kanyang mukha. Gusto niyang lumaban pero paano? Wala na siyang magagawa sa harap ng patalim na nakatutok sa kanyang katawan.

Ngising-aso si Gordon. Kulang na lang na maglaway ito sa masarap na putaheng nakahain sa kanyang harapan.

Ibinaba ni Gordon ang patalim papunta sa dibdib ni Cheska. Naramdaman niya ang pagdikit ng dulo ng matalas na patalim sa kanyang bra. Nahulaan niya ang gustong gawin ni Gordon. "Huwag, Gordon. Huwag..." tutol niya habang lumuluha.

Tatakpan sana niya ng kanyang braso ang kanyang dibdib pero idiniin ng lalaki ang dulo ng patalim sa kanyang balat. Napangiwi siya sa naramdamang kirot. Isang impit na daing ang kumawala sa kanyang bibig. Alam niya, nasugatan siya sa bahaging iyon ng kanyang katawan.

Ngising-ngisi si Gordon nang makita ang konting dugong lumabas sa nasugatang balat ni Cheska. Parang baliw itong yumuko sa dibdib ng dalaga at dinilaan ang umagos na dugo. Hilakbot na hilakbot si Cheska sa ginawa ng lalaki. Mas lalo pa siyang kinilabutan nang makita ang sariling dugo sa dila ni Gordon.

IDINIIN ni Jerimie ang busina nang mag-go na ang traffic light pero hindi pa rin gumalaw ang kotseng nasa kanyang unahan. Nang sa wakas ay umandar ang kotse, agad na pinatakbo niya ang kanyang sasakyan. Kailangang makarating siya agad sa apartment ni Cheska. Baka makatulog na ang nobya niya ay mahihirapan pa siyang kumatok para gisingin ito.

KASALUKUYANG tinatawagan ni Kenly ang cellphone ni Cheska. Naririning naman niyang nagri-ring ang telepono pero bakit kaya hindi sinasagot ng kaibigan niya? Muli siyang nag-dial. Ganoon pa rin. Nagri-ring lang pero walang sumasagot. "Anong oras na ba?" tanong niya sa sarili. Tiningnan niya ang oras sa cellphone niya. "Pasado alas-diez pa lang ng gabi. Tulog na kaya 'yon?" Isang beses pa niyang sinubukang kontakin ang kaibigan.

NARINIG ni Cheska ang sunod-sunod na pagtunog ng kanyang cellphone na nasa handbag niya. Ngunit wala naman siyang pagkakataong sagutin kung sino man ang tumatawag na iyon. Ang atensyon niya ay nasa mukha ni Gordon na tila halimaw na sa kanyang paningin.

Muling ibinaba ni Gordon ang patalim papunta sa dibdib ni Cheska at walang sabi-sabing hiniwa ang kapirasong telang tumatakip sa kanyang dibdib.

Awtomatikong naitakip ni Cheska ang dalawang braso sa kanyang dibdib. Nagtangka siyang bumangon pero mabilis siyang naitulak ni Gordon kaya muli siyang napahiga. Nalantad tuloy sa lalaki ang mayaman niyang dibdib.

IPINARADA ni Jerimie ang kotse sa tapat ng apartment ni Cheska. Nasa kotse pa lang ay nakita na niyang bukas ang pinto ng apartment ng nobya. Kinutuban siya ng hindi maganda.

Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at inilang hakbang lang ang pintuan ng tinitirhan ni Cheska. Pagpasok niya ay agad niyang nakita ang cellphone niyang nakakalat sa sahig.

"Cheska!" tawag niya sa nobya.

Noon niya nakarinig ang matinis na sigaw ni Cheska.

"Sa kuwarto!"

Tinakbo ni Jerimie ang silid ng dalaga at kitang-kita niya sa akto si Gordon na sinisibasib ng halik ang kanyang nobya.

Bigla ang pag-akyat ng dugo sa ulo ni Jerimie. Ang naabutan niyang eksena ay sapat na para balutin ng walang kapantay na galit ang buo niyang pagkatao.

"Gordon! Hayup ka!" Mabilis niyang dinaluhong si Gordon na nabigla sa hindi inaasahang pagdating niya. Isang matinding suntok sa mukha nito ang pinakawalan ni Jerimie.

"Jerimie!" sigaw ni Cheska na mabilis ding bumangon at dinampot ang kumot sa kama para maitakip sa kanyang katawan.

Nahulog sa kama si Gordon at bago pa ito makabangon ay muli itong sinugod ni Jerimie.

"Jerimie, may patalim siya!" babala ni Cheska sa nobyo.

"Lumayo ka sa kanya, Cheska!"

Dumaan sa ibabaw ng kama ang dalaga para makalayo kay Gordon. Pumuwesto siya malapit sa pinto.

Iwinasiwas ni Gordon ang patalim kaya napahinto sa paglapit si Jerimie. Isang maling kilos niya ay maaari siyang masaksak ng tarantadong Gordon na 'to.

"Mag-iingat ka, Jerimie!" Abot-abot ang kaba ni Cheska.

Nakabangon na si Gordon at pumorma para depensahan ang sarili sa oras na sumugod si Jerimie. Ngumisi pa ito sa lalaki. "Ang sarap pala ng girlfriend mo, p're!" sabi nito na sinundan ng isang malakas na halakhak.

"Tarantado ka!" Sinugod niya si Gordon. Umamba ito para itarak sa kanya ang patalim pero nahawakan niya ang braso nito bago pa siya masaksak. Mabilis niyang pinilipit ang braso ni Gordon dahilan para mabitiwan nito ang hawak na patalim.

Sunod-sunod na suntok ang ibinigay ni Jerimie sa lalaking nagtangka sa kanyang nobya. Hindi na niya pinayagang makaganti pa ito. Inilabas niyang lahat ang naipong galit sa kanyang katawan dahil sa ginawa nito kay Cheska.

"Gago ka! Gago ka!"

"Jerimie, tama na! Baka mapatay mo siya!" Tumakbo sa kanya si Cheska para awatin siya. Niyakap siya ng nobya.

Bugbog-sarado si Gordon nang tigilan niya ang pambubugbog dito. Hindi na ito makagalaw sa tinamong suntok mula kay Jerimie.

Tumawag sa police station si Jerimie para i-report ang pangyayari. Hindi nagtagal ay dumating ang mga pulis at dinampot si Gordon. Buo ang loob ni Cheska na sampahan ng kaso ang lalaking muntik nang maglugso sa iniingatan niyang puri. Sa ginawa ni Gordon, patong-patong na kaso ang isasampa niya laban dito.

Tall, Daks and HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon