Sa Aking Gunita
Kabanata 1
Narrator
Nangingibabaw ang tunog ng medical ventilator at ng mabilis at mabigat na paghinga ng mga alagad ng syiensyang ginagawa ang lahat upang iligtas ang pasyenteng ngayon ay nakaratay at nag-aagaw buhay sa harapan nila.
Mga taong sumumpa na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang magligtas ng buhay ng iba.
"Doktora, ayaw pong tumigil ng bleeding!"
"Vitals?"
"Pulse 135, BP 60 over 40 and dropping po."
"Compression. Blood transfusion, dali!"
"Yes Doc."
"Suction."
Nagpatuloy sila sa operasyon na oras ang itinagal at ilang kaba at lakas ng tibok ng puso ang dumaan.
"Doc, her blood pressure keeps on dropping po!"
"Bovie."
"Doc--"
Napatigil sila ng kasamang Doktor sa ginagawa.
"Ga'no katagal ka na ba dito? Bakit kailangan mo pang mataranta ng ganyan sa mga oras na 'to? Lalo mo lang pinapabigat 'yong pakiramdam sa loob ng operating room. Kung hindi ka tatahimik at hindi mo gagawin 'yong trabaho mo ng maayos, lumabas ka na lang."
"S-sorry po."
"Let's just continue, Dra. Briones." Sabi ng kasama niyang chief resident surgeon.
"Yes, Doc."
Nagpatuloy na rin naman siya at nag-focus. Kalmado niyang tinapos ang operasyon.
"Right angle."
Pagkatapos ng ilan pang minuto ay bumalik na sa normal ang vitals ng pasyente kaya naman lahat sila ay nakahinga na ng maluwag. Naging maayos ang operasyon. Isa nanamang buhay ang nailigtas nila.
"Good job. After closing the wound, transfer the patient to the ICU."
"Yes, Doc."
Nauna nang lumabas ang chief resident surgeon.
Pagkatapos niya sa ginagawa ay lumabas na siya ng operating room at nagtanggal ng gloves, face mask at surgical cap.
Si Dra. Dalisay Briones, isang 2nd year resident General Surgeon sa St. Matthew's Hospital.
May mapait na nakaraan na naging motivation niya upang magsikap at makarating sa kung nasaan siya ngayon.
"Sige! Sige lumayas ka dito! Umalis ka na! Magsama kayo ng babae mo!"
Anim na taon pa lamang siya nang iwan sila ng kaniyang Ama upang sumama sa ibang babae. Siya na nag-iisa nilang anak ay naiwan sa piling ng Ina.
"Oo! Aalis na talaga ko! Aalis ako at kahit kailan, hindi na ko babalik sa bulok na pamamahay na 'to!"
"Papa!"
Nagkatinginan pa silang saglit. Nadala na ng galit ang Ama at ng bugso ng damdamin kaya naman kahit na nakita niyang basang-basa na ng luha ang mga pisngi ng anak ay hindi pa rin nagdalawang isip na umalis at iwan sila.
"Papa! Papa!" Sigaw ni Isay nang lumabas na ng bahay ang kaniyang Ama. Naglakad siya upang sana'y pigilan ito ngunit sinundan naman siya ng Ina upang siya ang pigilan.
Dalawa sila ngayong umiiyak at halos magpabaha ng luha.
"Mama! Saan pupunta si Papa? Pigilan mo siya! Pigilan mo siya!" Sigaw ni Isay habang walang tigil sa pag-iyak. "Mama pigilan mo si Papa! Bakit niya tayo iiwan dito, Mama? Mama!"
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...