Sa Aking Gunita - Kabanata 33

11 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 33

Dalisay's POV

Ibig sabihin, miyembro din siya ng samahang 'yon?

Napatigil ako saglit at biglang bumigat 'yong paghinga.

Si Fidel, sa La Liga Por Un Cambio?

Pero bakit?

Sumilip ako sa maliit na awang ng pintuan.

Mukhang seryoso 'yong pinag-uusapan nila at hindi ko masyadong marinig.

Napasandal na lang ako sa gilid.

Bakit?

Isa siyang Fuentes na kilalang kakampi ng mga Kastila. Ano'ng ginagawa niya?

Dalawa lang ang pwedeng isagot.

Nagtataksil siya ng patago sa pamilya niya, o ang grupong 'to ang balak niyang pagtaksilan.

Espiya ba siya? Ilalantad ba niya ang sikretong grupo na 'to sa mga Kastila? Nagpapanggap lang ba siya sa harap naming lahat?

Ugh. Sana mali ang hinala ko.

Biglang bumukas 'yong pinto kaya nagulat ako at napalingon--ugh.

Si Fidel.

Halatang nagulat din siya na makita ako dito.

Ilang segundo pa kaming nagkatinginan.

Siya ang kailangang magpaliwanag sakin.

Hinila niya ko palayo do'n.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Hindi ba't ako ang dapat na nagtatanong niyan sayo? Ano'ng ginagawa mo dito? Kabilang ka rin sa samahang 'yon?"

"Helena--"

"Alam ko ang tungkol sa samahang 'yon, Fidel. Ano'ng ibig sabihin nito? Bakit? Kilala ang pamilya mo bilang kaibigan ng mga Kastila. Bakit mo ginagawa 'to?"

Huminga muna siya ng malalim at hinawakan ako sa kamay.

"Patago kong ginagamot ang mga sugatang rebelde. 'Yon ang papel ko sa samahang ito."

Tinignan ko lang naman siya.

"Hindi ba't sinabi ko na sayo noon na matagal na kong tutol sa gawain ng aking Pamilya? Huwag mo akong pagdudahan, Helena."

"Sana nga. Sana nga nagsasabi ka talaga ng totoo."

"Helena, hindi ko magagawang pagtaksilan ang iyong Ama. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Handa kong ibuwis ang buhay ko para tulungang makalaya ang bayang 'to."

"Kaya pala. Kaya pala kung ilarawan ka sakin ni Ama ay tila kilalang-kilala ka niya. 'Yon ay dahil matagal na kayong magkakilala sa pagiging parte mo ng samahang ito. Kung gano'n kalaki ang tiwala sayo ni Ama, hindi na ko magdududa pa. Kaya lang.."

Nakatingin lang siya sakin.

"Kaya lang, si Ama, si Kuya.. tapos ikaw. Pati ikaw? Pati ba naman ikaw? Alam mo ba kung ga'no kahirap sakin 'to? Tatlo sa mga mahal ko sa buhay ang parte ng mapanganib na samahang 'yon."

"Huwag kang mag-alala Helena, matibay ang naitayo naming pader sa aming paligid na siguradong walang kahit na sino'ng makakasilip kung ano ang nasa kabilang gilid."

"Huwag mag-alala? Paano naman akong hindi mag-aalala? Mahal kita. Lalo lang nadagdagan ngayon 'yong pag-aalala ko dahil parte ka rin pala ng samahang 'yon. Masyadong mapanganib 'to, Fidel. Kahit na ga'no karaming tao pa 'yong magsabi sakin na huwag akong mag-alala, patuloy pa rin akong mag-aalala."

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon