Sa Aking Gunita - Kabanata 61

15 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 61

Dalisay's POV

Kailangan ko nang lakasan 'yong loob ko at 'wag magpalamon sa galit na ilang taon na kong nilulunod.

Kaya ngayong umaga, nagdesisyon akong marinig kung anuman 'yong gusto niya sabihin at masabi at matanong ko na rin lahat ng bagay na gusto kong isigaw sa harap niya.

Nakita ko siya ngayon sa lobby.

Nagkatinginan kami at naglakad ako palapit sa kaniya.

"Sige. Pagbibigyan kita. Mag-usap tayo."

Napangiti siya.

Pakikinggan ko siya at saka ako magdedesisyon kung patatawarin ko na ba siya

Nagpunta kami sa cafe malapit dito sa Ospital.

"Makikinig ako." Sabi ko.

Umayos siya ng upo bago nagsimulang magsalita.

"Nalaman ko kung nasaan ka, no'ng minsang nagkita kami ni Trina, 'yong.. kapatid ni Danikka at doon ko nalaman na siya pala 'yong kumupkop sayo. Naikwento niya na rin sakin lahat. Sinabi niya sakin na dito kita makikita sa Ospital na 'to.. at Doktor ka na. Patawarin mo ko, Isay. Hindi ko gustong iwan ka noon--"

"Hindi gusto? Eh ano pala? Napag-tripan mo lang, gano'n?"

"Hindi gano'n. Matagal na kaming hindi magkasundo ni Danikka. Aaminin ko, ako 'yong mali at.. ayoko na ring gumawa pa ng kahit na anong dahilan. Alam kong mali na sumama ako sa iba at iniwan kayo. Kaya wala akong ibang masasabi sa harap mo kundi.. patawarin mo ko."

Nakatingin lang ako sa kaniya at namumuo na 'yong mga luha ko.

"Hinanap kita. Hinanap kita noong malaman kong namatay si Danikka pero hindi ko alam kung nasaan ka. Kung saan kita hahanapin."

"Buong buhay ko.. wala akong kinilalang tunay na Ama. Hindi ko alam 'yong pakiramdam na mahalin ng isang Tatay. Hindi ko alam kung sinong yayakpin ko at hihingan ng tulong. Hindi ko alam kung kanino ako magsusumbong kapag nasasaktan ako. Hindi ko alam kung sinong lalapitan ko kapag hirap na hirap na ko. Hindi mo alam kung gaano naging mahirap para sakin lahat."

Hindi ko na kayang pigilan 'yong pagpatak ng mga luha ko.

"Ang dami ko nang napagdaanan eh. At lahat ng 'yon, wala ka. Kaya sa tingin mo ba kakailanganin pa kita? Hindi ko na kailangan ng Ama. Hindi mo na kailangang bumawi sa lahat ng taon na hindi kita kasama."

"Alam kong malaki 'yong sama ng loob mo sakin. Masaya talaga kong makita ka ulit, Isay. Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ko pero.. paulit-ulit akong hihingi ng tawad sayo. Nagpapasalamat ako na kahit napakadaming taon na 'yong lumipas, nakita pa kita. Nakita pa kita bago ako mawala sa mundong 'to. Nagpapasalamat ako dahil pumayag kang kausapin ako."

"Sa totoo lang.. mula no'ng umalis ka, hindi ko na pinangarap na makita ka pa ulit. No'ng naging Doktor ako, sinabi ko sa sarili ko na kapag nakita kita, susumbatan kita. Ipagyayabang ko na naabot ko lahat ng 'to nang hindi humihingi kahit piso mula sayo. Sisigawan kita at sasabihin kong.. bakit bumalik ka pa?"

Nagpunas ako ng luha at umiwas ng tingin.

"Oo. Kinupkop nga ako nina Tita Trina pero puro pagmamaltrato lang 'yong ginawa nila sakin." Tumingin naman ulit ako sa kaniya. "No'ng 12 years old ako, pinagtangkaan akong gahasain ni Tito Melwin. Lumayas ako dahil hindi ko na kaya. Umalis ako do'n nang hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung ano'ng mangyayari sakin. Ilang araw akong nagpalaboy-laboy. Walang matir'han, walang makain. Noong mga oras na 'yon, hiniling ko na sana dumating ka. Sana dumating ka para tulungan ako. Kapag dumating ka, patatawarin na kita. Pero hindi ka nagpakita."

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon