Sa Aking Gunita
Kabanata 48
Dalisay's POV
"Napanaginipan kong mapapahamak ka. Nakahiga kang duguan at walang malay sa harapan ko. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko. Kahit ano'ng mangyari, huwag na huwag kang pupunta sa kalyeng iyon, naiintindihan mo?" Nanginginig ko pang sabi.
"Helena--"
"Sinusubukan kitang iligtas, Fidel! Makinig ka naman sakin. Pakiusap."
Ngumiti naman siya at tumango.
"Hm. Kung 'yon ang nais mo."
Nag-alala pa rin akong ngumiti at niyakap siya.
Natatakot ako. Natatakot pa rin ako na baka ito na ang huling araw na magkasama tayo. Baka ito na ang huling pagkakataong mayakap kita.
Magkaaway tayo sa present pero hindi ko naman pwedeng balewalain 'yong nanagyari sayo sa past life mo.
Kahit wala akong balak na aminin sa kaniya sa present kung ano talaga ang nangyayari dito sa past, ang mahalaga, mailigtas ko siya.
Nagpatuloy na kami sa pamamasyal at sinubukan kong ipakita sa kaniya na okay lang ako.
"Alam mo ba'ng hinangaan ng mga rebeldeng 'yon ang iyong katapangan?" Bulong niya.
"Wala akong dapat na ikatakot dahil wala naman akong ginagawang masama."
Ngumiti naman siya.
"Ngunit ayoko nang ulitin mo 'yon. Mas maigi kung kaunti lang ang nalalaman mo. Mailalayo ka no'n sa kapahamakan."
"Naiintindihan ko."
Dati akala ko, dahil sa pagpunta niya sa kung saan-saan at pagiging parte ng La Liga Por Un Cambio ang makakapagpahamak sa kaniya. Pero iba pala ang nangyari.
Sino kaya ang gumawa no'n?
"Ah! May nais nga pala akong.. itanong."
"Ano 'yon?"
"May kilala ka ba na.. may galit sayo?"
"Hm?"
"May tao ba'ng.. nagbabalak na pagtangkaan ang buhay mo?"
Natawa naman siya.
"Hindi malayong mayroon nga ngunit wala akong kilala. Maaaring patago nila akong kinasusuklaman."
"Ugh. Sayang. Kung may kilala ka mas mapapadali 'yong gagawin ko at makikilala ko agad 'yong suspect." Bulong ko.
"Ano 'yon?"
"Huh? Wala. Ang sabi ko, maganda ang araw na 'to kahit na nitong mga nakaraang araw ay puno ng kaguluhan ang paligid."
"Sa kabila naman ng mga kaguluhan ay hindi no'n mapipigilan ang pagsikat at paglubog ng araw."
"Nais kong.. bumilis na ang paglipas ng araw at dumating na ang araw ng ating kasal. Upang wala na akong ipangamba pa."
"Saan ka naman nangangamba?"
"Sa maraming bagay."
Hinawakan niya ko sa kanang kamay.
"May nais akong ibigay sayo."
"Hm?"
Ay alam ko na 'to. 'Yong singsing.
As expected, inilabas niya nga 'yon at isinuot sa palasingsingan ko. Ooh. Gold at may bato pa.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...