Sa Aking Gunita
Kabanata 8
Dalisay's POV
Nakaupo ako ngayon at nasa harap ko 'yong susi na nadala ko mula sa 1896, kung 'yon nga talaga ang nangyari.
Paano? Bakit?
Ugh. Ang sakit sa ulo.
Sigurado akong 'yon 'yong diary na nakita ko.
Ano'ng ibig sabihin nito?
"Kung totoo ngang nakapag-time travel ako at nadala ko 'yong susi na 'to, hindi kaya may gustong ipakita sakin 'yong may-ari nito?"
Napailing na lang ako at nangilabot sa sinabi ko.
"Sino ba kasi si Maria Helena? Ano namang kinalaman ko sa kaniya? Bakit ako? Ahh!" Ginulo ko na lang 'yong buhok ko dahil gulong-gulo na 'yong isip ko.
Ano namang koneksyon ang meron kami ni Maria Helena para mangyari 'to? Kapag kinwento ko naman sa iba, walang maniniwala sakin at iisipin pa nilang nababaliw na ko. Kahit nga siguro si Hero.
"Nasa'kin nga 'yon susi na 'to, wala naman 'yong diary. Ano'ng gagawin ko dito?" Saka.. kung makakabalik man ako do'n, pa'no ko mabubuksan 'yong diary na nando'n?
Hindi kaya.. ito rin 'yong susi para makapunta ulit ako do'n? 'Yong diary? Pero pa'no ko naman makukuha 'yon, eh nasa museum nga?
Hay ewan, ewan. Gulong-gulo na ko at inaantok na rin ako.
"Dumating na ang tamang panahon, Dalisay. Natagpuan mo na. Magagampanan mo na ang tungkulin mo. Maaari mo nang matupad ang kahilingan ko."
"Ano? Sino ka ba? Sino ka ba talaga?!"
"Ako.. ay ang dating ikaw. Ikaw.. ay ang bagong ako."
"Ugh. Hindi kita maintindihan. Ano ba'ng sinasabi mo?"
"Ako si Maria Helena. Kailangan ko ng tulong mo."
"Tulong saan?"
"Ugh--hay." Nagising ako nang biglang nag-alarm 'yong cellphone ko.
Naupo ako at napatulala habang inaalala 'yong panaginip ko.
Matupad ang kahilingan niya? Tulungan siya? Ako ay.. siya?
All these years hindi kaya, may ibig sabihin talaga 'yong mga panaginip kong 'yon?
Eh pa'no ko naman malalaman at pa'no ako makakasiguro na totoo nga 'yon at hindi ako nababaliw? Hay! Ang imposible kasi!
Hanggang sa pagkain ko ng almusal, 'yon pa rin ang iniisip ko.
Siya si Maria Helena. No'ng napunta ko sa 1896, ako si Maria Helena. Tinawag nila kong Maria Helena. Nando'n din 'yong diary.
"Ano ba talaga'ng nangyayari?!"
Nagulat ako nang biglang nag-ring 'yong cellphone ko.
Unknown number? May tumatawag na unknown number.
Sinagot ko naman.
"Hello?"
"Isay?"
"Sino 'to?"
"Nakalimutan mo na agad 'yong boses ko?"
Teka nga lang...
"Sean?!"
"Hindi kasi kita ma-contact kaya--"
Binaba ko na agad.
"Hay! Ano ba'ng ginagawa niya? Ang aga-aga?! Blocked!"
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...