Sa Aking Gunita - Kabanata 43

13 1 0
                                    

Sa Aking Gunita


Kabanata 43

Hero's POV

Hindi ko nga naipaliwanag kay Isay kung ano man 'yong gusto kong sabihin at sa tingin ko, iba pa rin 'yong pagkakaintindi niya.

Akala ko ayun na. Akala ko kahit na halos maamin ko na, na-gets niya na kaso hindi pa rin pala.

Kinahapunan, nakasalubong ko si Nurse Christy.

"Doc Hero!"

"Hm?"

"Magkaaway daw kayo ni Dra. Briones?"

"Ano? Pa'no mo nalaman?"

"Sabi ni Vino."

"Tsch. Ang daldal talaga no'n. Ah hindi na. Okay na kami ngayon."

"Ahh. Bakit naman kayo nag-away?"

"Ah wala naman 'yon. May hindi lang kami napagkasunduan. Naayos naman na namin. Kanina lang."

"Hmm. Gano'n naman talaga kapag matagal nang magkaibigan. Naaayos din agad. Syempre ikaw, hindi mo rin naman matiis na hindi mo siya kausapin, 'no?"

"Ah.. ha-ha."

"Doc Hero, hindi na kita tatanungin kung ano'ng nagustuhan mo kay Dra. Briones dahil sobrang obvious naman. Kahit sino magkakagusto sa kaniya. Pero 'di bale! Hindi pa rin ako susuko dahil naniniwala ako na isang araw, magugustuhan mo rin ako!"

Hindi niya yata alam kung kailan dapat tumigil na. Hay hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko sa kaniya.

After ng duty, nakita ko si Isay na nakatayo sa labas. Pauwi na rin naman siya kaya naisipan kong lapitan at ayaing isabay siya pauwi dahil nag-tataxi lang siya dahil nga wala 'yong sasakyan niya.

Pero bigla naman siyang nilapitan ni Dr. Dylan. Hay papansin naman 'to.

"Pauwi ka na?" Tanong niya. Tumango naman si Isay "Sabay na kita? Narinig ko rin kasi 'yong about sa aksidente kaya.. wala pa 'yong sasakyan mo, 'di ba?"

Tsch.

"Ah hindi na. Okay lang. Magtataxi na lang ako."

Oo tama 'yan, 'wag kang pumayag. Kaya mo namang umuwi mag-isa! O kaya, nandito naman ako!

"Okay lang naman sakin na sumabay ka. Para.. masiguro ko na safe kang makakauwi."

Ang kulit rin ng isang 'to.

Nagpumilit pa rin siya kahit sinasabi ni Isay na okay lang pero sa huli, pumayag si Isay. Hay nako, no choice lang naman siya dahil ayaw siyang tigilan eh!

Nang maglalakad na sila, napalingon pa dito si Isay at nakita ako. Nagkatinginan pa nga kami ng ilang segundo pero wala naman siyang sinabi at nagpatuloy na sa paglakad.

Hero, kailangan mo nang gumawa ng paraan. Mauunahan ka nanaman kapag hindi ka pa kumilos.

Pag-uwi ko sa bahay, nagbasa na lang ako ng libro pero hindi naman ako makapag-concentrate kaya isinara ko na lang din at napabuntong-hininga.

"May problema ba?" Tanong ni Mama.

"Ah.. wala naman po. Pagod lang."

"Aminin mo nga sakin. Nag-away ba kayo ni Isay?"

"Po?"

"Hindi ba no'ng linggo ng umaga, hindi kayo nagpapansinan?"

"Ah.. hindi naman po talaga kami nag-away."

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon