Sa Aking Gunita - Kabanata 45

10 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 45

Dalisay's POV

Nagsimula na kami ni Fidel na gamutin ang mga sugatan. Makaluma 'yong mga gamit na nandito at wala pa 'yong mga modern medicines kaya medyo hirap akong mag-adjust sa kung ano'ng gagawin. Ginagawa ko na lang kung ano sa tingin ko 'yong dapat. Ang mahalaga, matulungan ko rin sila.

Napatingin naman ako kay Fidel na abala din sa ginagawa niya.

Wow.

Ang astig makita ng eksena na 'to.

Ang satisfying.

Hindi ko alam kung ginawa ba 'to ni Helena noon o ako ang gumawa nito ngayon.

Nakakakilabot isipin na nagawa kong tumulong sa mga rebelde sa panahong 'to.

Feeling ko tuloy nag-contribute na ko sa history ng Pilipinas! Ha-ha!

"Ikaw ba ang anak ni Don Justiniano?" Tanong nitong lalaki na ginagamot ko.

"Po? Opo. Ako nga po."

"Nakakamangha ang katapangan mo. Mapanganib itong ginagawa mo, Binibini. Malaki ang tsansa na madamay at mapahamak ka."

Hindi ko agad naisip na baka madala ko sa panganib 'yong buhay ni Maria Helena.

Ngumiti ako.

"Medyo masakit po ito. Kagatin niyo muna 'to."

Pinakagat ko siya ng tela at saka tinanggal 'yong bala na nasa kaliwang braso niya.

Pagkatapos naming magamot lahat, nakaupo kami ni Fidel sa labas, sa isang gilid.

"Masarap talaga sa pakiramdam ang makatulong sa ibang tao. Kaya naiintindihan ko kayo." Sabi ko. "Ngunit.. nakatitiyak ba kayo na walang kahit na sino ang nakakaalam ng lugar na 'to? Ligtas ba talagang.. tumuloy tayo dito?"

"Palipat-lipat kami ng tinutuluyan upang hindi kami matunton kung sakaling may maghinala. Lalo akong humanga sa'yo dahil sa iyong katapangan. Sa bawat araw na magkasama tayo, nadadagdagan at nadadagdagan ang mga rason ko upang hindi na umalis sa piling mo."

"Alam mo ba kung ano ang isa sa mga bagay na kinakatakot ko? 'Yon ay ang mapahamak ka. Ang mawala ka sa aking tabi. Hindi ko alam ang aking gagawin kapag nawala ka sa piling ko, Fidel. Paano pa kung ako mismo ang maging dahilan ng--"

Hinawakan niya ko sa kamay at nakatingin sa mga mata ng isa't-isa.

Natatakot ako. Hindi ko alam kung kailan mangyayari 'yong mga sinabi ni Maria Helena. Hindi ko alam kung ano'ng plot twist ang mangyayari kapag binago ko pero kailangang mabago ko.

"Nais kong alisin mo ang lahat ng pangamba sa iyong puso. Kahit na isang araw, biglang matapos ang lahat ng ito, hindi ako magsisisi dahil nagawa ko ang gusto ko at.. Helena, imposible ang sinasabi mong mapahamak ako nang dahil sayo. Hindi ako papayag na sisihin mo ang sarili mo."

Niyakap ko siya.

"Huwag na huwag kang mapapahamak. Kahit ano'ng mangyari, 'wag kang mapapahamak. Pakiusap."

Niyakap din naman niya ko pabalik.

"Ipinangako ko na sa'yo 'yon, hindi ba?"

Bumitaw ako at tinignan siya at saka ngumiti at tumango.

Dahil may ideya ako kung ano'ng pwedeng mangyari, ako ang poprotekta sa'yo.

Pumasok na ulit kami sa loob pero nakabalik na ko sa present.

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon