Sa Aking Gunita - Kabanata 28

11 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 28

Dalisay's POV

Nakarating na nga kami sa beach ng tanghaling tapat.

Mainit 'yong sikat ng araw kaya naka-cap ako habang naglalakad kami para mag-check in habang nakatingin lang naman ako sa dagat.

Sa iisang kwarto lang kami matutulog lahat since gano'n naman na kami ka-kumportable sa isa't-isa.

"Halika, kumain na muna tayo ng lunch." Sabi ni Tita pagkaayos namin ng mga gamit at tumango naman kami.

Nagpunta kami sa restaurant nila kung saan tanaw na tanaw mo 'yong dagat. Ang sarap sa feeling!

Ang dami pa ngang inorder at karamihan mga seafoods.

"Tito, dahan-dahan sa pagkain, ha. Baka ma-highblood ka."

"Opo, Doktora."

Tumawa kami.

"Isay, hanggang tanaw ka lang dahil hindi ka pa pwedeng mag-swimming. May mga sugat ka pa." Sabi ni Hero.

"Alam ko naman 'yon 'no. Isa pa, ang hapdi kayang magka-sunburn. Okay na ko sa sight-seeing lang. Makakarelax na ko no'n."

"Hindi rin naman ako magsu-swimming. 'Pag nag-swimming ako, maiiwan kang mag-isa."

"Kasama ko naman si Tita. Maglalakad-lakad lang naman sila sa pampang, 'no."

"Eh malungkot namang.. mag-swimming mag-isa? Ah. Narinig kong tuwing gabi, may fire dance performance daw dito."

"Talaga? Panoorin natin!" Excited ko pang sabi.

"Hm. Syempre naman."

Kinahapunan, naupo ako sa isang beach rattan chair na nakaharap sa dagat habang nagbabasa ng libro at umiinom ng mango juice. Feeling Prinsesa ko ngayon!

Ang sarap pa ng ihip ng hangin.

"What can you say about this place?" Boses ni Hero 'yon kaya tinignan ko.

Nakatopless siya! Hindi naman na surprise sakin 'yon 'no.

"Ang ganda! Sobrang relaxing. Pinagtitinginan nga lang ako ng mga tao dahil sa mga sugat ko. Hindi tuloy ako makapag-swimsuit dahil may malaki pa rin akong pasa sa tagiliran."

Naupo naman siya sa tabi ko.

"Sina Tita?"

"Nakaupo lang do'n sa kubo."

"Nag-swimming ka?"

"Hindi."

"Eh bakit naka-topless ka? Ahh. Siguro nagpapa-impress ka sa mga magagandang babaeng nandito 'no?"

"Hay bakit ba lagi mo na lang iniisip 'yan?"

Tumawa lang ako.

"Ngayon ko na lang ulit naramdaman 'yong ganito. Lagi kasing alcohol at dugo 'yong naaamoy ko sa paligid."

"Akala mo ba ikaw lang?"

"Ugh. Wait. Maglakad-lakad nga muna tayo. Ang sakit na ng pwet ko sa pagkakaupo dito."

Tumayo ako at tumayo na rin naman siya tapos naglakad na kami.

"May souvenir shop dito, 'di ba? Puntahan natin." Aya ko.

Inalalayan niya pa kong maglakad sa buhangin dahil lumulubog 'yong mga paa ko at minsan naiiwan pa 'yong tsinelas ko!

"Okay na ba 'yong tuhod mo?" Tanong niya.

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon