Sa Aking Gunita - Kabanata 17

25 2 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 17

Dalisay's POV

"Kamusta na po 'yong pakiramdam niyo?"

"Sumasakit pa rin 'yong tagiliran ko."

"Nahihirapan pa rin po ba kayong huminga?"

Pagkatapos no'n, bumalik na rin ako sa office at tinapos gawin 'yong mga files na pinapagawa sakin ni Dr. Hernaez.

"Isay!"

Bigla namang dumating si Hero.

"Oh?"

"Busy ka?"

"Hindi mo ba nakikita?"  Sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya. "Bakit? Ano ba 'yon?"

"Sayang, hindi mo naabutan 'yong eksena kanina."

"Hm?"

"May umaway kay Dra. Lia."

"Kay Dra. Lia? Bakit?" Napatigil tuloy ako sa ginagawa ko.

"Naalala mo 'yong in-assist niyang surgery kahapon?"

"Oh?"

"Namatay 'yong pasyente habang inooperahan. Natandaan siya no'ng asawa kaya bumalik dito para lang sigawan at sisihin siya. Hinahanap nga din si Dr. Reyes eh."

"May mga gano'n talaga eh. Hindi naman natin maipapaintindi sa kanila. Isa pa, natural lang naman na masama 'yong loob nila. Oo nga pala. Nakita ko nanaman kanina si Sean dito."

"Si Sean?"

"Hm. May.. naririnig ka ba na nagpapa-check up siya dito? Na-diagnose ba siya sa nakakamatay na sakit?"

"Bakit? Concern ka?"

"Hindi 'no! Nagtataka lang kasi ako kung bakit lagi ko siyang nakikita dito. Dahil lang ba gusto niya kong makausap?"

"Eh bakit ba kasi ayaw mong makinig sa kung man 'yong sasabihin niya?"

"Dahil ayoko. Gagawa lang ng excuses 'yon eh."

"Bakit? May mawawala ba sayo kung mage-explain siya?"

"Ayoko nga siyang makita, makausap pa kaya? Wala na kong pakialam sa kung ano pa 'yong sasabihin niya. Mas mahihirapan lang ako kapag nag-usap kami."

"Pa'no kung mahalaga 'yon? Baka naman may mahalaga kasi siyang sasabihin--"

"Teka nga." Tumigil ulit ako sa pagta-type at tumingin sa kaniya. "Kinakampihan mo ba siya? Bakit ba pinipilit mo sakin na kausapin ko siya? Kailan pa kayo naging close?"

"Ugh. Hindi naman sa gano'n. Sige, bahala ka."

"Oh sige na--"

"Kakausapin mo na siya?"

"Hindi! Ihahatid ko na muna kay Dr. Hernaez 'tong mga natapos ko na!" Nag-inat pa ko bago tumayo at kinuha 'yong mga papel.

Tinapik ko pa siya sa balikat bago lumabas.

"Ito na po 'yong mga nauna kong natapos." Sabi ko kay Dr. Hernaez ngayong nasa office niya na ko. "Ihahatid ko na lang po ulit 'yong iba mamaya."

"Okay. Thank you."

Napansin ko pa 'yong nasa screen sa table niya. MRI test sa intestines.

Tinitigan ko ng pa ng maigi.

Crohn's disease 'to.

Kung gano'n, may pasyente siyang inaasikaso na may gano'ng sakit?

"Is there a problem, Dra. Briones?"

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon