Sa Aking Gunita
Kabanata 35
Dalisay's POV
Sa 'di kalayuan nga, may nakatayo at nakatalikod na nakasuot ng Doctor's gown.
Siya kaya 'yon?
Naglakad ako palapit at nag-clear ng lalamunan.
"Ah.. hi?"
Nagulat pa siya at dahan-dahang humarap. Parang gulat na gulat pa siyang makita ako.
Ngumiti siya.
"Mabuti naman pumunta ka, Doktora."
Ngumiti na lang din ako.
Ooh. Gwapo, matangkad. Mukhang mabait, matino at matalino.
"Ah.." Umiwas pa siya ng tingin at mukhang kinakabahan. Haha! "I'm.. Dr. Dylan Alfonso. 1st year resident Cardiologist."
"Ahh.. h-hi." Ngumiti lang ako at nag-shake hands kami. From Cardiology department pala siya.
"I guess.. I don't need to explain myself anymore?"
Natawa naman siya at tumango.
"Ah.. hindi ko talaga inaasahan na pupunta ka. I'm really sorry for bothering you, Doktora."
"Ah.. no, it's fine. Pa-out na rin naman na ko. Ha-ha."
"Thank you. Actually, talagang nanginginig pa rin ako hanggang ngayon kasi nasa harap na kita, kinakausap mo na ko. Para kong nananaginip."
Natawa naman ako.
"Ah.. nakahinga na rin naman na ko ng maluwag kasi.. nakapagpakilala na ko sayo, sa wakas. Matagal na talaga kitang.. gusto, Doktora. Gusto ko sanang.. mag-take ng risk na.. mapalapit sayo."
"Ugh. Matagal na kasi mula no'ng huli akong nagkaro'n ng ganitong klaseng conversatiom with someone kaya.. hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko."
"If you would just let me, mas maipapakilala ko sayo kung sino ako. Syempre, gusto rin naman kitang mas makilala. Kung.. okay lang sayo."
"Ah.."
"I'm not a bad person. Nagsasabi ako ng totoo. I really.. really admire you because of many reasons that I can't even count, Dra. Briones."
Wow. Magaling siyang magsalita. Hmm. Ayoko namang husgahan siya at sabihing playboy siya. Ang amo naman kasi ng mukha niya at 'yong mga mata niyang mukhang hindi kayang magsinungaling. Ang well mannered pa..
"Can I.. ask you out?"
"Huh?"
Ngumiti lang siya.
"Ah.."
Ugh. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Hero. Wala naman akong masamang nakikita dito at dahilan para umayaw ako.
Hindi ko maintindihan pero nagdadalawang isip ako.
Okay, hindi ako dapat sumagot agad.
"Ah.. pwede ba'ng.. pag-isipan ko muna? Kasi.. hindi naman talaga pwedeng.. makapagdesisyon ako agad, 'di ba?"
Ngumiti siya.
"Sure. Hindi rin naman kita.. pine-pressure."
Ngumiti na lang din ako at napatigil nang biglang nag-ring 'yong cellphone ko. Tumatawag na si Hero.
Oh? Pinatay niya siguro tapos tumawag ulit.
"Ah., excuse me."
Medyo lumayo ako at sinagot 'yong tawag.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...