Sa Aking Gunita
Kabanata 56
Hero's POV
No'ng nag-lunch nga kaming tatlo, ang sama ng tingin ko dito sa isa.
Ang papansin talaga. Bakit ba kailangan niya pang sumabay kumain? Tsch..
Teka, bakit ba tinititigan niya rin ako? Ano namang iniisip niya?
"Ah.. kakain ba tayo o magtititigan na lang kayo?"
Habang kumakain, bigla namang nagsalita si Dr. Epal.
"Narinig kong matagal na kayong magkakilala, Dr. Villegas."
Buti naman alam mo!
"Ha? Ah oo! Matagal na talaga. Ako nga 'yong nagligtas sa kaniya eh. Suicidal kasi 'yan no'ng nakilala ko."
Siniko ako ni Isay.
Bakit? Pwede ko naman talagang ioagmayabang na niligtas ko siya noon ah?
"Tatalon dapat sa tulay, pero niligtas ko! Kaya malaki 'yong utang na loob sakin nitong si Isay. 'Di ba? 'Di ba?" Sinisiko-siko ko pa siya at pinanliitan niya naman ako ng mga mata. Haha!
Magyayabang talaga ko 'no. Wala ka sa mga 'yon!
"Ah oo nga pala, Dra. Isay, magdi-dinner tayo mamaya, 'di ba?"
"Ano?!" Dinenr?! Ano'ng dinner?!
"Ah.. oo."
"Bakit?!"
Nilingon ako ni Isay at pinanlakihan ng mata.
Ahh! Oo nga pala!
"Ahh! Ahh! Oo nga. Sige. Okay."
Tsch. Hindi ako papayag na kayong dalawa lang!
Kaya naman sinundan ko sila. Para nga akong tanga na nagtatago dito. Hindi ako pwedeng nakita ni Isay, 'no!
Napatingin pa nga siya dito at nagtakip agad ako ng mukha. Hay! Sana naman hindi niya ko makilala!
Sa tingin ko naman nalinaw na niya. Buti naman.
Pag-uwi ko sa bahay, sinalubong agad ko ni Mama.
"Hero! Buti naman nandito ka na."
Nagmano muna ko sa kaniya.
"May sasabihin akonsayo kaya hinintay kita."
"Ano po 'yon?"
"Nagpa-book ako sa isang 5 star restaurant. Magdinner tayo bukas kasama si Isay."
"Po?"
"Naisip oo kasi, masyado namang simple 'yong celebration kung dito lang tayo sa bahay. Syempre, kailangan naman nating paghandaan 'yon, 'di ba? Malaking celebration 'yon!"
"Ma." Natatawa kong sabi.
"Sabihin mo kay Isay, ha?"
Ngumiti ako at tumango.
Kinabukasan,
"Sinundan mo ba ko kagabi?" Tanong niya habang nasa sasakyan kami papasok ng trabaho.
Uy!! Nakita niya ko?!
"Ano?! Hindi 'no!" Deny ko naman.
"Hmm? Parang ikaw 'yon eh?"
"Hindi nga ako 'yon. Baka kamukha ko lang!"
"Hah. Sigurado akong ikaw 'yon 'no! Kahit daliri mo lang 'yong makita ko, alam kong ikaw 'yon."
"Hindi nga--"
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Ficción históricaIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...