Sa Aking Gunita - Kabanata 5

39 3 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 5

Dalisay's POV

Nagulat na lang ako nang mag-alarm 'yong cellphone ko.

Oo nga pala, hindi na ko doon nakatira sa dati naming bahay ni Nanay Nimfa. Nakabili na ko ng sarili kong bahay at sasakyan.

Habang umiinom ako ng tsaa, nakabukas 'yong TV para makapakinig ako ng balita.

"Lalaki, hinold-up na, binaril pa! Kagabi sa kahabaan ng Epifanio Street ay nagulantang ang mga tao nang makarinig sila ng isang putok ng baril. Ayon sa mga saksi, hinold-up daw ang lalaki at matapos makuha ang mga gamit nito ay umalis ito sakay ng isang motor. Mabuti na lamang at may isang babaeng tumulong at nagbigay ng first aid na kalaunan ay napag-alamang isa palang Doktor."

Naibuga ko 'yong iniinom ko at tumingin sa TV. Teka nga..

Ahh! Nakuhaan pala ng CCTV 'yong nangyari!

"Nasa Ospital pa rin ang biktima at kritikal ang kalagayan matapos ang insidente. Samantala, iniimbistegahan pa ng mga pulis kung may iba pang motibo ang suspek at pinaghahanap na ito."

Ah tama. Siguro dapat ko siyang kamustahin ngayong araw.

Sa trabaho,

"Dra. Isay! Sikat ka na!" Salubong sakin ng isang Intern. Si Vino.

"Huh?"

"Napanood kita kanina sa TV, ang cool mo talaga!"

"Ah.. ha-ha."

"Doktora!" Lumapit naman si Dra. Lia, 2nd year resident general surgeon din kagaya ko.

"Hm?"

"Busy ka ba bukas?"

"Huh? Ah.. hindi ko.. sure. Depende?"

"Birthday ko kasi. Gusto sana kitang iinvite sa dinner. Buong general surgery department, invited."

"Talaga? Okay! Sige!

"Talaga?"

"Hm!"

"Thank you!"

"Ano ka ba, bakit ka ba nagte-thank you--ah! 'Yong.. pasyente nga pala kagabi?"

"'Yong gunshot wound victim?"

"Hm."

"Ako 'yong assistant surgeon do'n sa operation niya."

"Talaga? Kamusta na siya?"

"Naging okay naman 'yong operation and currently, nasa ICU siya and observation pa. Salamat sa first aid treatment na ginawa mo bago siya madala dito sa Ospital. Kung hindi dahil do'n baka.. hindi na siya nakarating dito ng buhay. We all know how severe abdominal gunshot wounds can be."

I smiled.

"Hmm. That's really good to know."

"Grabe! Sobrang cool mo talaga, Dra. Isay!"

Tumawa na lang kami.

"Ano ka ba? Kahit sino namang Doktor 'yong nasa sitwasyon na 'yon, 'yon din 'yong gagawin 'no."

"Tama." Biglang dumating si Hero at inakbayan ako. "Kahit ako, kahit si Dra. Lia, 'di ba?'

"Ah.. hehe."

"Hay!" Inalis ko 'yong pagkakaakbay niya sakin. "Ang bigat ng braso mo!"

"Nagkataon lang na nando'n si Isay--si Dra. Briones sa lugar na 'yon kagabi, 'di ba?" Tanong pa niya.

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon