Sa Aking Gunita - Kabanata 27

16 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 27

Dalisay's POV

Maghapon lang ako nakahiga. Wala akong magawa kundi manood ng TV.

Nasa balita na rin 'yong nangyari.

Grabe. Ang bilis ng mga pangyayari eh. Halos hindi ko na namalayan.

Maghapon ko rin namang iniisip 'yong napanaginipan kong pag-uusap namin ni Maria Helena.

Gusto niyang malaman ko kung sino'ng tunay na pumatay kay Fidel at linisin ang pangalan niya.

Pero hindi, hindi gano'n ang gagawin ko. Pipigilan ko 'yon. Pipigilan kong mapahamak si Fidel. Ililigtas ko 'yong buhay niya.

Kinagabihan, dumating si Hero.

"Oh? Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ko.

"Bakit naman ako uuwi, eh nandito ka? Sinong mag-aasikaso sayo?"

Dinalhan niya rin ako ng pagkain at sabay na kaming naghapunan dito. Sinabi niya rin na dito na rin siya matutulog para samahan ako.

Sabi ko nga okay naman ako pero nagpupumilit siya. Isa pa, narealize kong nakakatakot ngang mag-isa. Tinakot niya rin ako eh!

Nakahiga na kami. Ako dito sa kama at siya naman doon sa couch.

Nalatulala lang ako sa kisame. Hay hindi ako makakatulog ng maayos dito. Ang weird ng feeling na ako ngayon 'yong nakahiga sa hospital bed.

Bukod do'n, iniisip ko rin kung pa'no ko ililigtas si Fidel eh hindi ko naman alam kung kailan o pa'no mangyayari 'yon.

Ahh basta! Hindi ako papayag na mapahamak siya! Bakit hindi na lang 'yon ang hilingin sakin ni Maria Helena? Imbes na alamin kung sino'ng pumatay sa kaniya, bakit hindi ko na lang siya iligtas?

Mas okay 'yon, 'di ba?

"Bakit hindi ka pa matulog?"

Biglang nagsalita si Hero kaya nilingon ko siya.

"Hindi ako kumportableng mahiga dito. Alam mo naman kung ga'no karaming eksena na 'yong nakita ko sa ganitong klaseng kama. Hindi ba pwedeng palit na lang tayo?"

Natawa naman siya.

"O kaya dito ka na lang sa tabi ko para.. hindi masyadong nakakatakot?" Syempre joke lang 'yon!

"'Wag mo kasing isiping gano'n. Isipin mo nando'n ka lang sa kwarto mo."

"Hay. Hindi talaga ko makakatulog ng ayos dito kahit anong gawin ko. Baka managinip pa ko ng nakakatakot."

"Oo nga pala. Speaking of panaginip, ang sama ng panaginip ko kagabi."

"Hm?"

"Nando'n ka nga eh."

"Oh? Ano? Ano'ng nangyari?"

"Binaril mo ko."

Nanlaki 'yong mga nata ko at napaubo.

Ano?! Binaril?

Napaupo naman ako.

"Ano?!"

"Hoy 'wag ka ngang biglang bumangon ng ganyan!"

Napaupo rin naman siya.

"Ano'ng nangyari?"

"Binaril mo nga ako. Pero sigurado naman akong hindi mo gagawin sakin 'yon, 'di ba?"

"Ugh."

Bakit naman.. ngayon niya pa napanaginipan 'yong tungkol sa bagay na 'yon?

"Oo nga pala, may isa pa. Para tayong.. nas panahon pa ng Kastila no'n."

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon