Sa Aking Gunita - Kabanata 47

10 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 47

Dalisay's POV

Nagtalo pa nga kami kung sino ang unang magsasalita pero pinauna ko na siya.

"Ah wala naman. Gusto ko lang sabihin sayo na.. sobrang saya ko talaga ngayong araw. Ngayon na lang kasi ulit ako nagkaro'n ng ganitong klaseng date. Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Alam mo kasi, sa tatlong naging girlfriend ko, lahat 'yon sila ang nakipaghiwalay sakin. Hindi ko alam kung bakit gano'n kaya pakiramdam ko, ako lagi 'yong iniiwan. Minsan nga tinatanong ko sa sarili ko kung amo ba 'yong mali sakin eh."

"Ano ba naman sila? Bakit naman nila gagawin 'yon sayo? Bakit ka naman nila iiwan? May mali ba sayo? Wala nga akong nakikitang mali sayo! Baka sa kanila meron?"

Sinasabi ko 'yon with actions pa kaya natawa siya.

Ay. Nasobrahan yata.

"I mean.. kahit sino naman hindi deserve na saktan ng gano'n." Pag-iwas ko.

"Kaya nga ngayon, nag-risk ulit ako. Sana this time.. hindi na ko maiwan."

Hay! Pa'no ko naman sasabihin 'yon sa kaniya ngayon kung ganito?!

Wrong timing naman eh!

Hindi ko pa nga sinasabi, kinokonsensya niya na ko agad?

Ano'ng gagawin ko?!

Ngumiti na lang ako.

"Ikaw? Ano 'yong sasabihin mo?"

"Huh? Ako?"

"Hm. May.. sasabihin ka din, 'di ba?"

"Ah wala! Gusto ko lang.. mag-thank you para sa araw na 'to. Ha-ha!"

Ngumiti lang naman siya at kumain na.

Pa'no na 'to ngayon?

Hay hindi naman kasi pwede.

Hindi porket naaawa ako sa kaniya, gagawin kong reason 'yon para hindi masabi sa kaniya.

Kailangan ko pa ring masabi 'yon. Kailangan niya pa ring malaman.

Pero siguro.. hindi muna ngayon? Mali kasi 'yong timing eh.

Natapos na 'yong dinner at hinatid niya na rin ako pauwi.

"Thank you." Sabi ko.

"Hmm. Gusto mo bang sun--"

"Hindi na."

Natawa naman siya.

Pinigilan ko na agad. Alam kong itatanong niya kung gusto ko bang sunduin niya ko bukas.

"Malapit ko na rin namang makuha 'yong sasakyan ko saka, safe namang mag-taxi."

Tumango siya.

"Okay. Sige na. Pumasok ka na. Magkita na lang tayo bukas."

Tumango na lang din ako at kumaway na para magpaalam bago pumasok.

"Oh kamusta naman ang date niyo, Doktora?" Tanong ni Manang Julie pagkapasok ko.

"Nanood lang po kami ng musical play at kumain ng dinner sa labas."

"Aprubado na po ba ni Sir Hero 'yong tungkol diyan?"

"Huh? Bakit ko naman--I mean, kailangan ba 'yon?"

"Syempre naman. Magkaibigan kayo eh."

"Alam mo Manang Julie, ito nga 'yong pinag-awayan namin, 'di ba? Nagpapalamig lang kami bago mag-usap ulit. Ah sige po. Magpapahinga na ko."

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon