Sa Aking Gunita - Kabanata 7

35 3 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 7

Dalisay's POV

Nagkamalay na ko pero nakapikit pa rin ako. Okay, nakahiga ako sa kama? Siguro nga nanaginip lang ako. Baka kanina habang tumatakbo, nadulas ako at nawalan ng malay kaya ngayon nasa Ospital ako.

Okay. Didilat ako. Pagdilat ko, sigurado akong nanaginip nga lang ako.

Dahan-dahan akong dumilat.

Ilang segundo pa bago ko ma-realize na nandito pa rin ako kaya napadilat ako.

Hindi panaginip 'to?!

Ahh ahh. Pwede namang nananaginip ako sa loob ng panaginip, 'di ba?

Imposible naman kasing totoo 'to 'no! Ano 'to, time travel?! Wow lakas maka-movie ah!

Pero seryoso, ano ba'ng nangyayari?

Kinurot ko pa 'yong sarili ko.

"Ah!"

Ginalaw-galaw ko din 'yong hinlalaki ko sa paa pero walang nangyayari.

Don't tell me.. hindi nga panaginip 'to?

May biglang kumatok at napatingin ako sa pintuan.

"Binibini? Maayos na ba ang iyong lagay? Nagluto ako ng sabaw. Higupin mo upang bumuti ang iyong pakiramdam."

Inilapag niya sa lamesa na nasa gilid.

"Ah.. s-salamat."

Ngumiti siya at naglakad na.

"Ah! Wait--Sandali!"

Tumigil naman siya at nilingon ako.

"Ano ho 'yon?"

"Ah.."

Isa lang ang paraan para malaman ko kung nasa'n ako.

"Anong.. petsa na ba ngayon?"

"Ho? Ah.. ika-dalawampu't walo ng Hunyo, taong isang libo, walong raan at siyamnapu't anim."

Ano?!

Nanlaki 'yong mga mata ko.

Lumabas na siya ng kwarto at naiwan akong nakatulala dito.

"1896? 1896?! Ugh!"

Tumayo ako agad at sumilip sa bintana.

Mga sundalong Kastila, mga kalesa.. mga taong naka-traditional na suot pa.

Ohmygod. Totoo nga yata!

Sinara ko na 'yong bintana at napasandal.

Teka, pa'no nangyari 'to?!

"Ugh. Sandali nga. Sandali nga lang. 1896? Ugh! Panahon ng rebolusyon 'to eh!"

Diyos ko! Paano kung totoong nandito nga ako? Pa'no kung mamatay ako sa rebolusyon at hindi na ko makabalik sa present?!

Balak ko sanang sumigaw kaya lang baka magsipasukan nanaman sila dito sa kwarto kaya napatakip na lang ako ng bibig.

Teka, ano daw? June 28?

Ugh! Dalawang buwan na lang mula ngayon!

Sa tingin niyo, dapat ko ba silang balaan? Ugh. As if naman mabago ko 'yong history, 'di ba?

Napatingin ako sa pintuan.

Ahh! Baka kapag lumabas ako doon, makabalik na ko. Baka gano'n 'yon? Okay! Okay!

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon