Sa Aking Gunita
Kabanata 59
Dalisay's POV
Huminga muna ko ng malalim bago dahan-dahang lumingon at--
"Ugh."
Nanlaki 'yong mga mata ko sa nakita ko.
Si.. Tiyo Federico.
'Yong Tiyo ni Fidel na kamukhang-kamukha ni Papa.
Bakit?! Bakit niya ginawa 'yon?!
Ngayon lang dumating 'yong mga guardia civil na agad naman siyang nilapitan para hulihin.
"Hoy!"
Tumingin ulit ako kay Fidel at walang tigil sa pagpatak 'yong mga luha ko.
"Fidel! Gumising ka, pakiusap. Fidel? Mahal ko? Gumising ka na, huh?"
Hindi na siya.. humihinga.
"Fidel!! Aahh!!"
Napayuko na lang ako sa dibdib niya.
Patawarin mo ko. Hindi kita nagawang mailigtas.
Patawad.
Ginawa ko lahat.
Akala ko magagawa kitang iligtas eh. Ugh.
Umiiyak ako nang malakas na parang walang ibang nakakakita sakin hanggang sa naramdaman kong sa sahig na ko nakayuko.
Hindi! Hindi!
Hindi muna ko dapat makabalik! 'Wag muna!
"Isay!"
Nilapitan ako ni Hero at nang makita ko siya.. niyakap ko siya agad ng mahigpit habang wala pa ring tigil sa pag-iyak.
"A-anong nangyari? Ssh. Tahan na."
"Hindi ko siya nailigtas. Hindi ko siya nagawang mailigtas, Hero. Hindi kita nailigtas. Aahh!!"
Sobrang sakit sa dibdib. Nahihirapan akong huminga.
Bakit? Bakit nagkagano'n?
Ginawa ko na lahat ng kaya ko pero hindi ko pa rin nabago. Wala akong nagawa para iligtas siya.
Ugh.
Inalalayan ako ni Hero at dinala sa office. Pinaupo niya ko at pinainom ng tubig.
"Ayos ka lang?"
"Hindi ko siya nailigtas. Wala akong nagawa. Wala na siya. Hindi na matutuloy 'yong kasal kasi wala na siya."
Umiiyak nanaman ako at hinawakan naman ako ni Hero sa kamay.
"Hindi mo naman kasalanan 'yon eh. Baka.. hindi talaga lahat ng bagay sa nakaraan, kaya mong baguhin."
Tinignan ko siya.
"I'm sorry.. Hero."
"Ano? Bakit ka naman nagso-sorry sakin?"
Umiling ako.
"Patawarin mo ko."
"Tama na. Namamaga na 'yong mga mata mo, oh?" Sabi niya sabay punas ng mga luha ko.
"Hindi ko kayang tumigil. Pakiramdam ko.. meron nanamang nang-iwan sakin eh. Pero nandito ka. Hindi mo naman ako iiwan, 'di ba?"
Umiling naman siya.
"Hindi. Hindi kita iiwan kaya 'wag ka nang umiyak."
Niyakap ko ulit siya.
"Si Papa.. siya 'yong pumatay kay Fidel. Pinatay niya si Fidel."
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Ficção HistóricaIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...