Sa Aking Gunita - Kabanata 50

11 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 50

Dalisay's POV

Pumasok kami sa loob ng bahay at ginamot ko 'yong sugat niya. Nandito kami ngayon sa kwarto.

"Pumunta ka dito nang hindi mo man lang muna ginamot 'tong sugat mo. Pa'no kung nagka-infection ka? Tignan mo, natuyo na 'yong dugo oh."

Nakatingin lang siya sakin at nakangiti habag ginagamot at pinapagalitan ko siya.

"Para namang hindi ka Doktor. Hindi mo naisip na dapat gamutin mo muna 'to bago ka gumawa ng kung anu-ano?"

"Okay lang 'yan. Magaling naman 'yong Doktora ko eh."

"Tsch."

Natawa siya.

"Talaga bang.. nangyari 'yon? Nakakabigla kasi. Parang.. too good to be true. Hindi ako makapaniwala."

"Lalo naman ako 'no? Hindi ko nga inaasahan na gano'n 'yong isasagot mo. Ang akala ko kasi, magbabago 'yong trato mo sakin kapag nalaman mo."

"Oh ayan. Tapos na."

Tinignan ko na siya.

"Isay."

"Hm?"

"Wala nang bawian."

Natawa naman ako at umayos ng upo.

"Hindi ko alam kung.. pa'no nangyari 'yon. Hindi ko alam kung kailan at pa'no nagsimula."

"Eh ako?"

"Hm?"

"Ako matagal na. Simula pa lang no'ng.. mga unang araw na nakilala kita."

Nanlaki naman 'yong mga mata ko.

"Talaga?!"

"Hm!" Tumango pa siya. "Napakatagal ko nang tinatago 'yon sayo. Hindi ko nga alam kung pa'no ko kinaya eh."

Ooh.

"Ahh. So, kaya pala noon pa lang, inis na inis ka na sa mga lalaking lumalapit sakin kasi.."
Natawa na lang siya at tumango.

"Tignan mo. Napakatagal mong naging clueless. Sobrang clueless."

Tumawa na lang din naman ako.

"Hindi ko alam kung pa'no naging posible 'to pero.. hindi ako makapaniwala. Siguro tamang timing lang din? Kung noon pa ko umamin sayo, gano'n din kaya 'yong naging sagot mo?"

Nagkibit balikat naman ako. Kasi, who knows, 'di ba?

"Pero isa lang ang sigurado ko."

"Hm?'"

"Sigurado na ko sa sagot kong 'yon. Maraming bagay 'yong nagparealize sakin kung ano talaga 'yong tunay kong nararamdam. Baka noon pa? Tapos.. ngayon ko lang napatunayan? Ngayon lang ako nalinawan?"

"Ah teka. Ibig sabihin ba nito.."

"Hm?"

"Ibig sabihin ba nito tayo.."

"Ano?"

"Ano.. tayong dalawa.. ah.."

Natawa naman ako at kahit alam ko na kung ano'ng gusto niyang itanong, nagpanggap akong hindi ko siya ma-gets habang pangiti-ngiti.

"Ah.. alam mo na? 'Yong.. bukas ba.. pa'no tayo.. kikilos? Pa'no tayo.. mag-uusap?"

Natawa naman ako.

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon