Sa Aking Gunita - Kabanata 51

14 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 51

Dalisay's POV

"Uy okay na 'to--tama na."

"Kain pa!"

"Uy kainin mo 'yan. Sayang 'yan."

"Dr. Isay, gusto mo ng apple?"

"Ah--"

"Watermelon?"

"Huh? Ah--"

"Gulay?"

Ugh!

Sina Vino, nakatulala na lang at nagtataka sa ginagawa ng dalawang 'to.

Napahawak na lang ako sa batok nang makita kong halos umapaw na 'yong plato ko. Paano pa ko makakakain nito?!

Tinignan ko ng masama si Hero.

"Oh bakit ako?"

"Sa tingin niyo ba makakakain pa ko niyan kung ganyan na 'yong itsura ng plato ko?!"

Tinignan niya 'yong plato ko tapos ako at saka ngumiti.

Pinagpalit niya 'yong plato niya at plato ko tapos nilipat sakin 'yong iba.

"Oh ayan."

Hay nako.

Pagkatapos no'n, nag-assist ako ng surgery habang si Hero naman nasa briefing para sa surgery ng anak ni Dr. Hernaez.

Pagkalabas ko sa Operating room, nakita ko si Hero na papunta sa kabilang Operating room.

"Hero!" Nilingon naman niya ko at lumapit.

"Good luck! Alam kong medyo kinakabahan ka dahil anak ni Dr. Hernaez 'yon pero sigurado naman akong kayang-kaya mo 'yan."

Ngumiti siya.

"Kamusta naman 'yong inassist mo?"

"Okay naman. Sumakit nga lang 'yong likod ko. Oh sige na. Pumasok ka na do'n."

"Hm."

Ngumiti siya.

Pagkabihis ko, pumunta ko sa office ni Dr. Hernaez para kunin 'yong mga files na ipinapaayos niya sakin pero wala siya dito.

Hinulaan ko na lang at sa tingin ko, itong mga nakakakalat na papel sa lamesa niya.

Inayos ko muna at saka kinuha pero napatigil ako nang makita ko 'yong clipboard kung saan nakalista 'yong mga consultations kay Dr. Hernaez. Ilang part lang naman 'yong nakikita at mga pangalan lang dahil natatakpan ng isa pang papel 'yong ibang part.

Manolo Guevan?

Bakit siya.. nagpa-consult dito?

Ugh.

Nanginginig pa 'yong kamay kong balak tanggalin 'yong nakaharang na papel para mabasa ko 'yong nakasulat doon pero--

"Oh Dra. Briones!"

"Ugh."

Nagulat pa ko nang dumating si Dr. Hernaez.

"Ah! Good afternoon po! Pumunta po ako para kunin 'yong mga files na pinapaayos niyo sakin. Ito po ba 'yon?"

"Let me see? Ah oo. 'Yan nga."

"Sige po." Tumango ako at naglakad na palabas.

Hay eh ano namang pakialam ko kung nagpa-consult siya dito?

Bumalik na ko sa office para nga tapusin 'to. Marami-rami at mukhang hanggang mamaya na ko dito.

Habang nag-aayos, nasagi ko pa 'yong lalagyan ko ng mga ballpen kaya natumba at nalaglag lahat sa sahig--ugh.

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon