Sa Aking Gunita - Kabanata 14

24 3 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 14

Hero's POV

Isang umaga, nakita ko si Isay na naglalakad kasunod ni Dr. Sebastian at ngiting-ngiti!

Tsch. Ano ba kasing meron sa Dr. Sebastian na 'yon ha? Mas gwapo pa ko do'n eh!

Nakita ako ni Isay at nginusuan lang ako. Ugh.

Magtatanghali na at naabutan ko siyang nag-iinat sa loob ng office.

"Isay!"

"Ay kalabaw!"

"Okay ka lang?"

"Okay? Umaga pa lang pero 'yong pagod ko pang-maghapon na. Uwi kaya muna ko?"
Natawa siya.

"Sabay na tayong mag-lunch."

"Okay."

At habang nagla-lunch kami, parang ang weird niya. Feeling ko kinakausap niya 'yong sarili niya sa utak niya at umiiling-iling pa minsan.

Patingin-tingin pa sakin sabay iiwas din ng tingin at iiling.

"Hoy. Ano ba'ng iniisip mo diyan? Hindi ako makapag-concentrate sa pagkain dahil kanina ka pa tingin nang tingin sakin."

"Ano? Ako? Hindi ako tumitingin sayo 'no! Feeling mo lang 'yon! Feeling mo lang!"

"Umamin ka nga sakin, may problema ka ba?"

"Wala."

Kinahapunan, pupunta ko sa radiology room nang makasalubong ko si Isay.

Ayan nanaman siya sa weird na expression sa mukha niya. Feeling ko talaga may sinisikreto siya sakin eh.

Papaaminin ko siya!

Kaya naman naisipan kong doon kumain ng dinner sa bahay niya para iinterrogate siya. Pumayag naman siya pero nag-grocery muna kami.

"Hay! Ang papangit na nito, wala ba silang bago?" Reklamo niya habang namimili ng lettuce.

Napansin ko naman na tinitignan ng mga lalaking dumadaan 'yong legs niya. Naka-dress kasi siya. Hay! Batuhin ko ng mangga 'tong mga 'to eh!

Tumayo ako sa likod niya para takpan 'yong binti niya.

"Parang mas maganda 'yong dahon nitong isa 'no? Tignan mo--ugh!" Nagulat siya dahil paglingon niya, nandito lang ako sa likod niya. "Ano ba'ng ginagawa mo, bakit diyan ka nakatayo?"

"Huh? Wala lang. Bakit, dito ko gustong tumayo eh."

"Tsch. Oh tignan mo, ano'ng mas okay?"

"'Yong nasa kanan."

"'Di ba? Okay." Nilagay na niya sa basket at naglakad na. Sinundan ko naman na siya.

"Bakit ba kasi ganyan kaiksi 'yang suot mo?"

"Maiksi ba 'to? 3 inches above the knee na nga eh."

"Dapat 2 inches lang! O kaya 1 inch!"

"Wow? Ang conservative ah?"

Nilapag ko 'yong basket tapos hinila ko pababa 'yong dress niya para humaba.

"Hoy ano ba'ng ginagawa mo?! Baka mapunit pa 'yan--ano ba--"

"Kapag nagsuot ka pa ulit ng ganyan kaiksing dress puputulin ko na 'yang binti mo."

"Ano ba'ng problema mo diyan?"

"Lalo na kung lalabas ka nang mag-isa!"

"Eh bakit? Kasama naman kita ngayon ah?"

"Kahit na!"

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon