Sa Aking Gunita
Kabanata 23
Dalisay's POV
Sa tabing-ilog kami nagtanghalian. Picnic, kasi nakaupo kami sa nakalatag ng blanket.
Dinala pa nga ng mga kasambahay nila 'yong mga gamit at pagkain kaya mainit pa.
"Woah. Napaka-linaw naman ng ilog na 'to. Alam mo sa 2018, puro basura na 'yan."
Hindi naman siya nag-react.
"Si Ina mismo ang nagluto ng mga 'to." Sabi niya.
"Talaga? Mukhang suportado ka rin niya sa panliligaw mo, ah?"
"Oo naman. Natutuwa nga siya at talagang sabik sa kanilang pagdalaw sa inyong tahanan mamayang gabi."
"Sila lang ba? Hindi ka kasama?"
"Bakit? Inaasahan mo ba'ng naroon din ako?"
"Oo naman!"
Natawa siya.
"Syempre naman, pupunta rin ako. Kaya kahit na maghiwalay na tayo mamayang hapon pagkatapos nito, magkikita pa rin tayo mamayang gabi."
"Baka naman magsawa ka na niyan dahil halos buong araw mo ko, araw-araw, na nakikita?"
"Bakit naman ako magsasawa?" Natatawa niyang tanong. "Gustong-gusto ko nga na nasisilayan ka. Para ba'ng nasisinagan ako ng araw at nabibigyan ng lakas."
Natawa naman ako.
Hay kung sa present 'to, sobrang corny nito. Corny pero sweet.
Adobong manok 'yong ulam tapos may mga kakanin pa. Sana hindi madagdagan 'yong timbang ko sa present!
"Sa susunod, mamangka naman tayo." Sabi niya at tumango ako.
Gusto ko ngang subukan 'yon. Sa Binondo! Maganda pa 'yong estero do'n sa panahong 'to saka uso talaga 'yong pamamangka do'n.
Hindi pa ba ko babalik? Nakakaloka, ga'no katagal na ba kong wala do'n? Malalagot ako nito eh!
Kinahapunan nga nagpunta kami do'n sa sinasabi niyang Carillo. Shadow play pala! Okay naman siya, maganda. Hindi boring dahil ngayon kang ako nakakita nito.
Natapos 'yong araw na magkasama kami. Inihatid niya na ulit ako sa bahay bago magdilim.
"Maraming salamat sa araw na 'to, Helena."
"Sa'yo din."
"Magkita na lang tayo'ng muli mamaya."
Nakangiti akong tumayo.
Umasa ako na pagpasok ko sa kwarto, makakabalik na ko sa present pero hindi pa rin.
Hay! Ga'no pa ba katagal 'to?!
Naghintay pa ko ng ilang oras. Nagbasa-basa muna ko ng mga libro kahit ang totoo, kinakabahan na ko dahil pagbalik ko sa present na hindi ako ang nakapag-assist sa surgery, siguradong mapapatawag ako!
May tiwala naman ako kay Hero. Alam kong kung wala ako do'n, ico-cover niya 'yon pero lagot pa rin ako!
Oras nga ng hapunan nang pumunta dito sina Doña Minyang, Don Franco, at si Fidel.
In fairness naman kay Don Justiniano, ang galing niyang umarte.
Kahit na may issues siya sa pamilya na 'yon, ngumingiti siya at nakikipagkwentuhan na parang wala lang. Kasi nga naman, mahirap nang mapaghinalaan.
Pinag-uusapan nila 'yong tungkol sa mga negosyo, kalakal, politika, at kung anu-ano pang hindi ako maka-relate.
"Sobrang natutuwa kaming malaman ang interes ni Fidel sa inyong anak na si Maria Helena. Buo ang suporta namin sa kaniya at bakit naman hindi? Isa siyang Diaz de Rivera at isang karangalan para sa amin 'yon."
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...