Sa Aking Gunita - Kabanata 21

17 2 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 21

Dalisay's POV

Pagkatapos nga no'n, kumain kami ng mga kakanin na dala ni Fidel.

"Gawa po 'yan ni Lola Celing." Sabi niya.

Ang sarap ah!

"Hmm. Kilala nga ang iyong Lola sa masasarap niyang kakanin sa bayang ito. Kaya hindi na nakakapagtaka." Sabi ni Doña Andring.

"Itong maja blanca ang pinaka-pinagmamalaki niyang luto. Tikman niyo po."

"Naku. Natikman ko na 'yan dahil madalas din akong magpabili sa aming mga kasambahay. Pero syempre, hindi ko ito tatanggihan." Sabi naman ni Don Justiniano at nagtawanan kami.

Tumingin naman ako kay Fidel.

Tama. Hindi ko hahayaang 'yong tsismis na narinig ko sa present ay mangyari talaga kay Fidel. Kailangan kong baguhin ang mangyayari sa kaniya kahit na anong mangyari. Sa gano'ng, parang niligtas ko na rin si Hero.

"Nabanggit po pala ni Ama na nais niyang magpunta dito minsan upang makipag-kwentuhan sa inyo."

Napatingin ako kay Don Justiniano.

"Oo naman! Sabihin mo sa kaniyang kahit na anong oras ay bukas ang aming tahanan para sa kaniya."

Ayos lang kaya talaga 'yon sa kaniya. Tsch. Syempre hindi. Sobrang nire-resent niya ang pamilyang 'yon. Paano niya nakakayang magpanggap sa harap nila? Isa pa, bakit kahit gano'n ang sitwasyon, iba ang turing niya kay Fidel?

Napatingin sakin si Don Justiniano at ngumiti. Nagpilit na lang din ako ng ngiti.

Mahirap basahin kung ano ang iniisip niya.

Inaya na rin nilang magtanghalian si Fidel dito na tumulong pa sa pagluluto at paghahain kaya naman tuwang-tuwa si Doña Andring sa kaniya.

Ako naman, tinuturuan ko sa mga lessons nila sina Prospero at Emilia habang pasulyap-sulyap kay Fidel.

"Ate, gusto mo na rin ba si Kuya Fidel?" Tanong ni Prospero.

"Huh?"

"Kanina mo pa kasi siya tinitignan."

Ngumiti ako.

"Pasensya na."

"Bagay na bagay talaga kayo. Alam mo Ate, pasadong-pasado siya sa amin na maging Kuya." Sabi naman ni Emilia.

"Ano ba kayo? Mga bata pa kayo, hindi kayo dapat nagsasalita ng ganyan. Mas maigi kung mag-focus--ah.. ano nga 'yon. Mag-concen--ugh. Basta! Mag-aral na lang kayo."

"Uuy. Si Ate, hindi alam ang sasabihin!" Asar nila.

"Ssh!"

Nilingon ko si Fidel na napatingin dito. Hay itong dalawang 'to!

Kinahapunan, magkasama kaming nagbasa ni Fidel ng mga libro dito sa may veranda habang umiinom ng kape, gaya nga ng kung ano'ng nakasulat sa diary.

Nakaupo naman sa isang tabi si Manang Lilia.

"Ano'ng masasabi mo?" Tanong niya.

"Huh? Saan?"

"Sa binabasa mo."

"Ahh. Maganda! Maganda." Nakangiti kong sabi.

"Kapag ba talaga nagbabasa ka, napupunta ka sa ibang mundo at hindi mo na nararamdaman 'yong paligid mo? Baka kahit barilin ako sa harapan mo, hindi mo rin mapansin." Natatawa niyang sabi.

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon