Sa Aking Gunita - Kabanata 57

12 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 57

Dalisay's POV

Agosto 19, 1896

Hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi sina Ama at Kuya. Hindi naman talaga namin alam kung saan sila nagpunta ngunit pilit kaming pinapaamin ng mga guardia civil. Tinakot napila kami na kung hindi kami aamin ay mapapahamak din kami. Ngunit ano namang sasabihin namin kung hindi naman talaga namin alam?

Ayaw nilang maniwala. Pinaghinalaan nilang itinatago namin sila. Ayaw nilang tumigil, ayaw nilang umalis. Muntik nang si Ina ang mabaril ngunit nakagawa ako ng paraan upang iligtas siya. Mabuti naman.

Oh?

Woah.

Nagbago 'yong nakasulat.

Ibig sabihin nagawa ko nga talagang mabago 'yon.

Ibig sabihin.. noon.. namatay si Doña Andring no'ng araw na 'yon?

Kaya hindi maituloy ni Maria Helena 'yong sentence na 'yon kasi.. hindi niya kaya.

Mabuti na lang, nagawa ko siyang iligtas sa pagkakataong 'to. Sana magawa ko rin 'yon kay Fidel.

Napangiti ako.

Kung nagawa ko kay Doña Andring, kaya ko ding gawin kay Fidel.

"Halughugin niyo ang buong bahay! Lahat ng sulok, hindi niyo maaaring palampasin! Rápido!"

Nagwatak-watak na nga sila at naghanap sa buong bahay. Tumingin naman ako kay Ina.

"Ina, ano'ng gagawin natin?"

"Hayaan mo sila. Wala naman silang ibang makikita."

"Paano kung makapunta sila sa--"

"Ina! Ate! Ano'ng nangyayari?!" Takot na sabi nina Prospero at Emilia.

Sandali, ano'ng ginagawa nila? Mapanganib dito!

"Ano'ng ginagawa niyo? Hindi kayo maaaring lumabas sa inyong silid! Halika, halika."

Tinulak ko sila palayo dito. Nilingon ko muna si Ina bago tumuloy sa kwarto nila. Naghanap ako ng pwede naming taguan dahil delikado kung dito lang kami.

"Dito. Dito tayo."

Pumasok kami sa loob ng aparador upang magtago.

"Ssh. 'Wag kayong umiyak. 'Wag kayong maingay, baka marinig nila tayo. Huh?"

"Ate, ano'ng nangyayari? Bakit nanggugulo sila dito?"

"'Wag kayong mag-alala. Magiging maayos lang ang lahat."

Naririnig namin dito 'yong sigawan at ingay mula sa labas. May mga tunog ng mga gamit na ibinabato at nababasag.

Hanggang sa tumahimik na nag paligid at nagdesisyon na kaming lumabas. Sobrang gulo ng paligid. Nakakalat ang lahat ng gamit at ang iba't sira na.

"Ina?"

Bumalik ako sa sala at naabutan kong duguan at walang malay si Ina.

"Ina? Ina! Ina, gumising ka! Ina!!"

Ugh!

Nagising ako mula sa panaginip na 'yon.

Mukhang.. 'yon 'yong nangyari noon na nagawa kong baguhin ngayon.

Mabuti na lang. Mabuti na lang.

Ngayong umaga, sinundo ulit ako ni Hero. Lagi naman na niyang ginagawa 'to.

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon