Sa Aking Gunita
Kabanata 25
Dalisay's POV
Ngayong araw na nandito ako sa bahay nina Hero, nag-email si Therese, dati naming kaklase, tungkol sa homecoming namin sa katapusan. Wala naman akong problema do'n and sa tingin ko naman makaka-attend ako. Syempre magkasama kami ni Hero.
Nag-stay ako maghapon dito at gabi na ko umuwi. Mabuti na lang, ngayong gabi na pagkapasok ko sa kwarto, saka pa lang ako nakapunta sa 1896 kaya hindi nagkaproblema kanina.
Nakapunta ko dito dahil sa deja vu tungkol sa baso ng tubig na inabot sa'kin ni Manag Julie.
Ah siya nga pala, tungkol sa date nina Fidel at Maria Helena ulit ang mangyayari ngayon at may nakasulat do'n na nakilala ni Maria Helena ang Tiyuhin ni Fidel na si Señor Frederico.
Ayaw nila sa letter 'F' 'no?
"Binibini, madilim ang langit ngayon. Tila bubuhos ang malakas na ulan." Sabi ni Manang Lilia na kasama namin.
"Maaari naman tayong sumilong kung umulan 'man. Ayoko namang umuwi dahil lang do'n. Hindi ba, Fidel?"
Ngumiti naman siya.
"Siya nga pala Manang Lilia, kailangan niyo pa rin bang mag-abala na samahan kami sa tuwing lalabas kami gayong ikakasal naman na kami ni Fidel?"
"Sinamahan ko lamang kayo kung sakaling may mga bagay kayong nais hilingin o kailanganin. Huwag kayong mag-alala. Hindi na ako magiging gano'n kahigpit sa inyong dalawa."
Tumawa naman kami.
"Tungkol nga pala sa kasal, Helena?" Sabi ni Fidel.
"Hm?"
"Narinig ko kina Ama na sa Disyembre nila balak ganapin 'yon at nais nilang 'yon ang maging pinaka-malaki, pinaka-engrande, at pinakapag-uusapang kasal sa bayan."
December?
Hay bakit ang wrong timing naman ng love story nila?
Kung pagkatapos ng himagsikan at mga gulo, may gano'n kalaking kasal na gaganapin, paano naman mapag-uusapan 'yon? Eh hindi ko nga alam kung posible bang mangyari 'yon sa panahong 'to.
Ngumiti na lang ako.
"Maganda ngang magdaos ng kasal sa panahong 'yon."
Ngayon, kaming dalawa na lang ang naglalakad. Iniwan na kami ni Manang Lilia. Naupo na lang siya sa isang gilid.
Napalingon ako sa kaniya nang bigla niyang hawakan 'yong kamay ko. Tumingin din naman siya sakin at ngumiti.
"Hindi ko kayang sukatin kung gaano kasaya ang puso ko ngayon, Helena. Marami tayong maaaring gawin at pasyalan nang magkasama."
Ngumiti naman ako.
"Matatawag ko ngang mapalad ako, 'pagkat natagpuan kita."
"Mas mapalad ako. Mapalad ang kahit na sinong lalaki ang mamahalin mo. Dahil ako 'yon, ako na ang pinakamapalad sa buong mundo."
Natawa ko.
Baka mahirapan na kong i-differentiate 'yong past at present. Masyado akong madala sa kung paano kami ni Hero dito, at sa kung paano kami sa present.
"Oh?" Napatigil siya kaya tumigil din ako. May tinitignan siya sa harapan namin na tinignan ko din naman. May grupo ng mga lalaking nag-uusap do'n.
"Halika, may ipakikilala ako sa'yo."
Naglakad kami papunta sa kanila.
"Tiyo?"
Ahh. 'Yong Tito na nabanggit do'n sa diary.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...