Sa Aking Gunita - Kabanata 40

13 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 40

Dalisay's POV

Hindi ko naman na pinansin si Hero at bumalik na ko sa office. Maya-maya pa, bumalik na rin siya.

Sobrang uncomfortable kasi pakiramdam ko may tumitingin sakin!

Sino pa ba? Eh kaming dalawa lang naman ni Hero 'yong nandito.

Hindi mo pa rin ako kakausapin? Hindi ka pa rin mage-explain?

Maya-maya pa, nagpunta siya sa harap ko kaya tinignan ko na rin siya.

Umupo siya at nakatingin lang ako sa kaniya.

Ito na nga yata. Kakausapin na niya ko.

"I'm sorry." Sabi niya.

Hindi naman ako makasagot at nakatingin lang sa kaniya. Eh kasi.. ano namang isasagot ko do'n, 'di ba?

"Hindi ko.. sinasadya 'yong nangyari. Lasing ako kaya hindi ko alam kung ano 'yong mga nagawa ko no'ng gabing 'yon. Alam kong iniiwasan mo ko dahil do'n. Ayusin naman na natin 'to oh? HIndi ako sanay na ganyan ka sakin."

Ugh. Oo nga. Syempre naman nasabi at nagawa niya lang 'yon dahil lasing siya. Alam kong hindi niya gagawin at sasabihin 'yong mga 'yon kung nasa matinong pag-iisip siya.

"Alam ko."

"Ha?"

"Alam ko namang lasing ka kagabi. Pero hindi ko naman alam kung bakit--" Kung bakit ako naguguluhan ng ganito nang dahil sayo. "Ugh. Wala." Hindi kk naman pwedeng sabihin 'yon eh.

"Isay, sorry."

"Hindi ko alam kung ano'ng ibig mong sabihin do'n sa mga sinabi mo pero sige, palalampasin ko."

"Ano?"

Parang gulat na gulat naman yata siya na okay na sakin? Ayaw niya ba?

"Kalimutan na lang natin 'yong nangyari. Tutal, lasing ka nga naman no'n kaya mo nasabi at nagawa 'yon.. 'di ba?"

"Ah.." Napatigil pa siya. "O-oo."

Ayun naman pala. Eh 'di sige, apology accepted.

"Okay."

Bumalik na ko sa ginagawa ko pero mukhang hindi pa siya kuntento.

"'Yon na 'yon?"

Tinignan ko ulit siya.

"Bakit? May gusto ka pa bang sabihin?"

"Ah.. may gusto akong itanong."

"Hm?"

"Bakit magkasama kayo ni Dr. Dylan kanina?"

Ahh. Oo nga--sandali nga lang! Speaking of!

"Ah! Oo nga pala. Bakit nando'n ka? Ano'ng ginagawa mo do'n? Sinundan mo ba kami?"

"Ikaw muna 'yong sumagot! Ako 'yong unang nagtanong eh."

Wow so pagtatalunan pa namin?

"Wala. Nagkwentuhan lang kami. Bakit, bawal ba 'yon?"

"Tsch."

"Oh ikaw naman 'yong sumagot."

"Nagpapahangin lang ako do'n at saktong nakita ko kayo."

"Talaga?"

"Oo nga. Bakit ko naman kayo susundan?"

Tumango na lang ako.

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon