Sa Aking Gunita - Kabanata 60

12 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 60

Dalisay's POV

Habang naglalakad ako galing sa anaesthology department, napatigil ako nang isang pamilyar na mukha ang nakita kong nakatayo sa harap.

Ano'ng.. ginagawa niya dito?

Bakit.. sa mga oras na 'to pa kung kailan lalo ko lang siya isipinumpa dahil sa ginawa niya kay Fidel?!

Ang sabi ko ayaw ko na siyang makita.

Bakit ngayon pa kung kailan mas nadagdagan lang 'yong galit ko sa kaniya?

Hindi. Hindi ko na siya kakausapin. Wala naman akong sasabihin eh.

Nagdi-diretso ako sa paglalakad at nilampasan siya na parang walang nakita.

Ano 'to? Ang ganda naman ng timing niya, 'no?

Ngayon pa talaga siya nagpakita sakin?

"Isay?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig kong binanggit niya 'yong pangalan ko. Namumuo na 'yong mga luha ko.

"Natatandaan mo pa ba ko, Isay?"

Bakit bumalik ka pa? Sana hindi ka na lang nagpakita. Sana hinayaan mo na lang akong mabuhay nang wala ka. 'Yon naman talaga ang ginawa mo, 'di ba?

Dahan-dahan akong lumingon.

"Kilala niyo po ako?" Tanong ko. Sige. Magpapanggap akong hindi kita kilala, na hindi kita naaalala.

"Ikaw si Isay, 'di ba? Dalisay?"

"Ako nga po. S-sino po kayo?"

"H-hindi mo na ba ko naalala? Isay--"

"Pasensya na po. Mukhang nagkamali po yata kayo."

Ngumiti pa ko ng kaunti bago tumalikod ulit at saka napakagat sa labi.

Hindi ko inaasahang makakausap ko pa siya pagkatapos ng higit dalawang dekada. Ang laki na ng tinanda niya, at mukhang may sakit.

"Isay! Ako 'to! Isay--ugh."

"Sir! Okay lang kayo? Sir!"

Napalingon ako at nakita kong napaluhod siya habang nakahawak sa tiyan.

"Isay..."

"Doktora!"

Napapikit na lang ako. Hay! Bakit ba--ugh.

Tinulungan namin siya pero sinabing ayaw niyang magpa-admit kaya inupo na lang namin siya sa isang gilid at binigyan ng tubig.

"Okay na po kayo?" Tanong no'ng Nurse.

"Opo. Salamat."

Tumango 'yong Nurse at umalis na.

Tinignan niya ko.

"Nag-iinarte ka lang ba para mapansin kita?"

"Ano? N-naaalala mo ko?"

"Pa'no ko naman makakalimutan ang mukha ng taong nang-iwan samin at naging dahilan ng pagkasira ng buhay ko?"

Hindi ko na kaya eh. Gusto ko nang sabihin 'yon.

"Isay patawa--"

"Bakit bumalik ka pa? Hindi mo na kailangang magpakita ulit sakin."

"Patawarin mo ako, anak--"

"'Wag mo kong tawaging anak. Dahil kahit kailan hindi ko naman naramdaman na meron akong Tatay."

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon