Sa Aking Gunita - Kabanata 52

13 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 52

Dalisay's POV

No choice.

Hindi ko naman pwedeng ipilit na kausapin siya ngayong gabi.

Nilingon ko si Hero na busy sa ginagawa niya tapos lumapit ako sa kaniya.

"Hero."

Nagulat naman siya at tinignan ako. Naupo ako sa tabi niya.

"Sinabi ko na sa kaniya na.. magdinner mamaya."

"Oh?"

"Kaso hindi siya pwede eh."

"Ano? Bakit?"

"May family dinner daw sila."

"Kaya.. medyo kailangan kong i-delay ng konti. 'Wag kang mag-alala. Hindi na talaga ko mag-aalangan, lilinawin ko na sa kaniya, promise."

"Eh 'di tayong dalawa na lang 'yong mag-dinner mamaya?"

"Hm?" Ngumiti ako. "Okay!"

Ngumiti din naman siya at inayos pa 'yong buhok ko.

"Inaantok na ko pero no'ng nakita kita, nagising ulit ako." Biro niya.

"Walking energizer kasi ako!"

Tumawa naman kami at napansin kong nakatingin si Dra. Lia kaya kinalabit ko si Hero.

Nilingon niya si Dra. Lia at ngumiti.

Hindi naman siguro nila kami mahahalata, 'no?

Kinagabihan. Nagpunta kami ni Hero sa isang mamahaling restaurant.

"Bakit dito pa?" Tanong ko. "Alam mo namang kahit sa mura lang, okay lang ako eh."

"Sa tingin mo ba, dadalhin ko 'yong girlfriend ko sa gano'n?"

Ngumiti naman ako.

"Saka, special 'to kasi ito 'yong first official dimmer date natin." Dugtong niya pa.

Sus?

Umorder na kami at nagkwentuhan habang kumakain.

"Inis na inis talaga ko do'n sa Dr. Alfonso na 'yon kasi.. lagi mo siyang pinapansin."

"Alam mo ikaw, seloso ka rin pala eh 'no?"

"Hindi 'no!"

"Eh ano'ng tawag mo do'n?"

"Tsch. Naiinis din ako sa sarili ko no'n kasi, naunahan 'nanaman' akong umamin ng ibang tao."

"Eh bakit ba kasi sa tagal ng panahon, ngayon mo lang sinabi sakin 'yong totoo?"

"Kasi nga.. ayokong mawala ka. Ayokong mawalan ng kaibigan na kagaya mo pero na-realize ko na mas ayoko naman kung palampasin ko na lang 'yong pagkakataon dahil lang natakot ako."

"So kung hindi pa dumating si Dr. Dylan, hindi mo pa sasabihin sakin?"

Umiwas siya ng tingin at natawa ko.

"Alam mo naisip ko din, siguro kahit noon ka pa umamin sakin, hindi naman kita lalayuan eh. Kasi kilala kita at alam ko.. na hindi mo ko sasaktan at iiwan kagaya ng iba. Alam mo namang marami nang tao 'yong.. nang-iwan sakin, 'di ba? Takot na ko do'n. Pero ikaw, alam kong kahit kailan hindi mo gagawin 'yon sakin."

Ngumiti kami.

"Siguro nga.. may nasalo lang akong swerte mula sa langit nitong mga nakaraang araw."

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon