Sa Aking Gunita - Kabanata 9

39 2 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 9

Dalisay's POV

"Doktora? Okay ka lang?"

"Huh?"

"Kanina ka pa po kasi nakatulala diyan." Sabi ni Vino the Intern.

Nasa Ospital na ko ngayon at lutang pa rin sa kakaisip tungkol sa bagay na 'yon. Makakasama sa trabaho ko kung ganito ako.

"Ahh sorry may iniisip lang ako saka.. masakit kasi 'yong ulo ko." Tumingin ako sa relo ko. "Oh~kay, so I think it's time for me to do my rounds?" Kinuha ko na 'yong mga gamit na kailangan ko. "Bye." At naglakad na palabas ng office.

"Doktora! Hindi mo pa po tinitignan 'tong mga pinakuha mo sakin--"

"Mamaya na."

Okay, Isay. Focus. Focus.

"Good morning Ma'am Faith!"

"Oh! Good morning Doktora!"

"Nakatulog po ba kayo ng maayos?"

"Hindi po masyado kasi.. hindi talaga ko sanay nang nasa Ospital."

"Hmm. Kamusta na po 'yong tiyan niyo?"

"Okay naman na po pero kumikirot lang 'yong sugat."

"May check up po ulit kayo mamayang 2PM, hindi po kayo muna pwedeng kumain ng solid foods okay? Kapag po nakita na umaayos na 'yong lagay niyo, pwede na rin po kayong makauwi 2 to 3 days from now. Sa ngayon po, kailangan niyo pong i-take 'yong mga gamot na ibinibigay sa'yo on time."

"Salamat po."

I smiled.

"Nurse?"

"Yes Doc."

Naglalakad ako ngayon sa hallway para pumunta naman sa iba pang rooms nang biglang may humawak sa kanang braso ko kaya napalingon ako.

Si Hero.

"Napa'no yang paa mo?"

"Huh?"

Napatingin ako sa paa ko tapos kay Hero ulit. Pa'no niya napansin 'yon? Nakatingin ba siya sa baba?

"Ah.. natapunan ng mainit na tsaa kanina--"

"Hay! Ano ba'ng ginagawa mo?"

"Nabitawan ko--teka bakit ba? Okay lang naman 'to! Medyo mahapdi lang pero okay lang naman 'yan. Sige na, may ginagawa pa ko."

Nagpatuloy na ko sa paglalakad.

After ng rounds, pabalik na ko sa opisina nang my mapansin akong mag-ina na naglalakad at nagtatawanan.

Napangiti pa nga ako.

Hmm? Parang nangyari na 'to?

Nahulog 'yong ballpen kaya pinulot ko at pagkatayo ko... ugh!

Nasa past na ulit ako!

Pa'no nangyari 'yon? Pa'no ako...

"Maria Helena!" Napalingon ako sa tumawag.

Ahh. 'Yong Nanay niya.

Ngumiti ako.

"Halika na, magdidilim na. Umuwi na tayo."

"Opo."

Paano nangyayari 'yon? Tuwing kailan ako nakakabalik sa past? Hindi 'yong pinto. Hindi 'yong pinto sa museum ang dahilan dahil nasa Ospital ako kanina. Kung gano'n.. ano?

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon