Sa Aking Gunita
Kabanata 26
Dalisay's POV
"Dalisay, umaasa ako na matutulungan mo ko. Ikaw lang ang malalapitan ko."
"Ano'ng klaseng tulong ba kasi 'yong gusto mong gawin ko? Tinanggap ko na, na ikaw ako noon, na nakakapunta nga talaga ko sa panahong 'yon. Sabihin mo sakin kung pa'no kita matutulungan. Hindi ko kasi alam kung pa'no ako kikilos do'n kung.. hindi ko naman alam kung ano 'yong dapat na gawin ko."
"Wala akong kasalanan, Dalisay. Hindi ko pinatay si Fidel."
Napatigil ako.
"A-Ano?"
"Hindi ko magagawang patayin ang lalaking pinaka-mamahal ko. Dalisay.. nais kong malaman kung sino ang walang pusong taong pumatay sa kaniya." Umiiyak siya. "Gusto kong bigyan mo ng hustisya ang nangyari sa kaniya o kahit.. kahit malaman mo kung sino ang gumawa no'n at malinis mo ang pangalan ko. Wala akong kasalanan."
"Eh kung.. ganito na lang kaya? Sabihin mo sa'kin kung kailan at pa'no nangyari 'yon. Ililigtas ko siya. Huh?"
Narinig ko 'yong tunog ng medical ventilator. Dahan-dahan akong dumilat.
Namatay si Fidel?
Namatay nga talaga si Fidel?
"Ah--"
Dahan-dahan akong umupo at nagkusot pa ng mata.
Naka-dextrose rin ako.
Buti na lang walang major injuries.
Ugh. Sinabi na rin sa'kin ni Maria Helena sa wakas. Pinagbintangan siguro siya na pumatay kay Fidel. Sabi ko na nga ba. Ramdam kong hindi niya magagawa kay Fidel ang bagay na 'yon. Hindi sa mabuting tao na 'yon.
Isa pa, kung siya man talaga ang pumatay kay FIdel, ibig sabihin, 'yong past self ko ang pumatay sa past self ni Hero at siguro, kaya kami nagkakilala eh para maiayos 'yon.
Pero hindi pa kami tapos mag-usap eh! May tinatanong pa kaya ako!
Sana sabihin na lang din niya sakin kung kailan at saan para mapigilan ko 'yong mangyayari, 'di ba?
'Yon na 'yong best way.
Hindi rin ako papayag na mangyari 'yon. Ayokong makitang mangyari 'yon kay Hero. Hindi ko kaya.
Ahh. Sandali. Sa pagkakatanda ko, nandoon si Hero kanina. Bakit nando'n siya? Nagha-hallucinate lang ba ko?
Bumukas 'yong pinto kaya napalingon ako.
Si Hero.
"Isay!" Nilapag niya agad 'yong dala niya at naupo sa gilid ko, sa kama. "Ano ka ba, bakit nakaupo ka na? Humiga ka muna--"
"Okay lang naman ako. Wala naman akong malalang injury bukod sa mga namamagang muscles dahil sa shock at mga maliliit na sugat. Nakakagalaw pa rin naman ako--"
"Nababaliw ka na ba talaga?! Gusto mo bang maisulat 'yong pangalan mo na isa sa mga bayani ng Pilipinas ha?! Naaksidente ka na't lahat-lahat, duguan ka na, pero nauna mo pa ring tulungan 'yong iba--"
"Eh ano'ng gusto mong gawin ko? Doktor ako, natural tutulungan ko sila. Isa pa, okay lang naman talaga ko kanina."
"Okay? Kaya pala hinang-hina ka at namumutla na nang dinala kanina sa Ospital?"
"Ahh. Oo nga pala. Ano'ng ginagawa mo do'n kanina?"
"Huh?"
"Nakita kita do'n kanina. Kahit na malabo na 'yong paningin ko, sigurado akong ikaw 'yon. Ano'ng ginagawa mo do'n?"
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...