Sa Aking Gunita - Kabanata 49

12 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 49

Hero's POV

Kailangan ko nang magdesisyon. Kapag pinatagal ko pa 'to, sigurado akong pagsisisihan ko.

Isang umaga habang naglalakad ako pabalik sa office, nakasalubong ko si Isay na tulalang naglalakad at may malalim na iniisip.

Patago ko lang naman siyang tinignan.

Ano naman kayang pinoproblema no'n?

Gusto ko na nga siyang kausapin kaya lang.. ano namang sasabihin ko? Kung makikipag-ayos na ko sa kaniya ngayon, pa'no nanaman ako makakahanap ng tyempo?

Sobrang gulo na ng isip ko at naaapektuhan na rin 'yong trabaho ko. Napagalitan na nga ako eh.

Kailangan ko na talagang ayusin 'to.

Lunch time. Kasabay ko si Dra. Lia.

"Nag-usap kami kanina ni Dra. Isay. Alam mo namang magkakaibigan na tayong lahat dito 'di ba? Kaya hindi naman namin matiis na makitang hindi kayo magkaayos. Lalo na dahil kayo 'yong mag-bestfriend. Tinanong ko na sa kaniya 'to pero ayaw naman niya. Kaya sayo ko naman itatanong. Gusto mo bang tulungan kita na makipag-ayos sa kaniya?"

"Hindi na." Mabilis kong sagot.

Hindi na muna ngayon.

Saka mas okay naman talaga kung kaming dalawa na lang ang mag-ayos nito. Hindi ko naman minamasama 'yong kagustuhan nilang tulungan kami eh.

"Okay. Bahala kayo. Hindi na ko mangungulit dahil baka mainis pa kayo sa kakapilit ko. Pero.. kaya ba kayo nag-away kasi nagseselos ka?"

Nasamid naman ako!

"Eh kasi 'di ba nililigawan siya ni Dr. Alfonso ng Cardiology Depertment? 'Yon ba 'yong main reason?"

Hindi naman ako sumagot.

Kinahapunan naman, nakita kong lumabas galing sa CR si Isay. Bakit doon siya nagCR? Meron naman sa office ah?

Nagulat pa siya nang makita ako at biglang tumalikod. Humarap siya sa pader at nagpapanggap na may ginagawa.

Ano nanamang nangyayari sa kaniya?

Wala naman akong.. ginawa 'di ba?

Nakakatawa siyang tignan do'n. Parang ewan.

Natawa na lang ako at napailing at saka dumiretso sa Anaesthetic department para may kunin at itanong.

Pagkatapos no'n, nagkagulatan naman kami pagbukas ng pintuan ng elevator.

Hay. Ayoko namang hintayin pa 'yong susunod dahil may ginagawa pa ko kaya pumasok na din ako at kaming dalawa lang 'yong nandito.

Kausapin ko na kaya siya?

Bakit parang.. may kakaiba sa kaniya ngayon? Ano'ng nangyayari sa kaniya?

Magsasalita na nga dapat ako kaso bigla namang bumukas na 'yong pinto at nagkabanggaan pa kami sa paglabas kasi mukhang nagmamadali siya.

Seryoso, may nangyari nanaman bang kakaiba sa kaniya?

Hinayaan ko na lang.

Kaso napansin kong sobrang weird niya talaga ngayon.

"Dra. Isay? Bakit ganyan ka umupo? Sira ba 'yang upuan mo?" Tanong ni Dra. Lia.

Nakatagilid kasi siya na parang umiiwas na makita ako.

"Ah oo! Sira na yata 'to kaya kapag lumikot ako, matutumba ko. Ha-ha!"

"Hindi ka ba nahihirapan? Gusto mo magpakuha na lang tayo ng--"

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon