Sa Aking Gunita - Kabanata 24

18 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 24

Hero's POV

Kinaumagahan nga no'ng gabing biglang nawala si Isay at nagtago kami sa ilalim ng lamesa, nagising ako nang maramdaman kong may tumutusok-tusok sa pisngi ko.

Ugh! Oo nga pala!

Dito na rin ako nakatulog!

Naalala ko pa bigla 'yong nangyari.

Dumilat na siya at nagulat pa nang nakita ako.

"Bakit dito ako natulog? Bakit hindi mo ko ginising!" Sabi niya at naupo kami.

"Hay! ang sakit ng katawan ko." Reklamo niya pa.

Hindi niya ba naaalala 'yon? Kinakausap niya ko na parang walang nangyari eh.

Mukhang hindi niya nga naaalala. Ugh. Mas mabuti na 'yon 'no!

Ibig sabihin, hindi niya rin narinig 'yong mga sinabi ko.

Ang sakit ng leeg ko! Kaya kumuha ako ng heat patch. Dinagdagan ko na para ibibigay ko kay Isay 'yong iba. Siguradong masakit din 'yong katawann niya.

Hindi niya pa makabit kaya ako pa 'yong nagkabit para sa kaniya.

"Grabe 'yong mga nangyari kagabi! Buti na lang talaga hindi tayo nahuli. Tapos alam mo ba, ang weird pa ng panaginip ko!"

"Panaginip?"

Sabi ko na nga ba. Nananaginip siya no'n.

"Hm! Magkausap tayo do'n tapos hinalikan... ko 'yong aso! Hinalikan ko 'yong aso! May aso do'n! Ang weird 'di ba?!"

Natawa naman ako.

Seryoso?!

"Ha! Ha! Ha! Ang weird!"

Naglakad na siya at iniwan ako.

Aso 'yong hinalikan niya? Eh ano ako? Aso?

Hahaha! Ang cute talaga niya.

Nag-stay lang ako sa office ngayong umaga dahil may mga pinapa-type sakin. Dumating rin si Isay pagkatapos niyang mag-rounds.

Magi-stretch pa ko ng braso at leeg dahil nga sa sakit no'n.

Naiilang ako dahil pakiramdam ko may nakatingin sakin.

Nilingon ko si Isay--oh? Bakit niya ko tinitignan?

Ilang beses din 'yon. May gusto ba siyang sabihin o ano?

Hanggang sa bigla siyang lumapit sakin. Humila pa ng upuan at naupo sa tabi ko.

"Akin na." Sabi niya nang nakalahad pa 'yong palad.

"Huh? Ang alin? May.. utang ba ko sayo?"

"Akin na~"

Ano ba kasi 'yon?

Nagulat na lang ako nang bigla niyang kinuha 'yong braso ko at minasahe. Ano naman ba'ng naisipan niya?

"Hoy--"

"Kasalanan ko kung bakit sumakit 'yang braso mo. Bakit naman kasi ginawa mong unan ko 'yan?"

"Wow. Inako mo nang kasalanan mo pero sinisi mo rin ako?" Ibang klase.

Ngumuso lang siya tapos biglang--

"Aray, aray! Aray! Ano ba--Isay!" Diniinan niya! May galit ba siya?!

Tumawa lang siya at hinampas pa ko.

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon