Sa Aking Gunita - Kabanata 10

26 2 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 10

Hero's POV

Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong parang laging may malalim na iniisip si Isay. Pakiramdam ko nga may tinatago siya sakin eh. Bakit ayaw niya yatang magkwento sakin ngayon gaya ng lagi niyang ginagawa?

Hay kung tungkol pa rin kay Sean kung bakit siya nagkakaganyan, hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko sa kaniya.

Ngayong araw nga, nakita ko siyang naglalakad mag-isa at umiiling-iling pa kaya natawa ko. Lalo siyang nagiging weird ngayon.

Hindi nga niya napansin na makakasalubong niya na ko kaya nabangga siya sakin.

"Ah!"

"Ano'ng nagyayari sayo?"

"Huh?"

"Bakit umiiling-iling ka diyan?" Umiling-iling din ako habang sinasabi ko 'yon para asarin siya.

"Wala. Kinakausap ko lang 'yong sarili ko, bakit?"

Huh? Oh 'di ba? Ang weird niya.

Ahh! Aasarin kita! Ha! Ha! Ha!

Inilalapit ko 'yong mukha ko sa kaniya at lumalayo naman siya.

"Something's bothering you. I can tell." Sabi ko sabay ngiti.

"Hah! Wala! Ano ba'ng ginagawa mo dito?"

Naglakad na siya at iniwan ako.

Oh tignan niyo nga! May tinatago talaga siya sakin!

Teka, hindi kaya nakikipagbalikan pa si Sean sa kaniya?!

Naging busy ako maghapon kaya hindi ko na siya nakausap tungkol do'n pero sa tuwing makikita ko siya, para talagang may gumugulo sa isip niya. Kilalang-kilala ko na siya kaya alam ko kung malungkot o may iniisip siya kapag nakita ko palang 'yong mga mata niya.

Kinabukasan naman, habang papunta ko sa Office ni Dr. Hernaez, nakita kong makakasalubong ko si Isay na mukhang nagra-rounds kasama ng isang nurse. Napatigil ako saglit sa paglalakad para ayusin 'yong sintas kong natanggal sa pagkakatali.

Pagtingin ko kay Isay, syempre 'yong paa niya 'yong una kong nakita at nakita kong parang may paso siya. Ano nanaman ba'ng ginawa niya?

Nakita ko pa ng maigi 'yon nang makalampas siya kaya lumapit ako at hinawakan siya sa braso para tanungin.

Nagulat pa siya nang makita ako.

"Napa'no yang paa mo?"

"Huh?"

Tumingin siya sa paa niya tapos tumingin ulit sakin.

"Ah.. natapunan ng mainit na tsaa kanina--"

"Hay! Ano ba'ng ginagawa mo?" Minsan kasi, may pagka-clumsy talaga siya.

"Nabitawan ko--teka bakit ba? Okay lang naman 'to! Medyo mahapdi lang pero okay lang naman 'yan. Sige na, may ginagawa pa ko."

Naglakad na siya. Hindi man lang nita ginamot? Pinabayaan na lang niya na naka-expose ng gano'n 'yong sugat niya? Hay nako.

Kaya naman pagkatapos ko sa mga ginagawa ko, kumuha ako ng betadine at wound dressing. Naabutan ko siya sa office na natutulog. Mapapagalitan nanaman 'to. Ano ba'ng ginagawa niya at parang antok na antok siya? Tsch.

No choice. Kailangan kong gamutin 'yong sugat niya.

Lumusot ako sa ilalim ng lamesa at maingat na ginamot 'yong paso niya sa kanang paa niya. Talaga ba'ng pababayaan niya lang na nakaganito 'to?

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon