Sa Aking Gunita - Kabanata 46

12 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 46

Hero's POV

Wala naman na kong magagawa. Hindi ko naman pinagsisisihan na pinagtanggol ko si Isay eh.

At least, explanation at reflection letter lang ang pinagawa sakin at hindi mas malaking disciplinary action.

Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Isay. Aaminin kong hindi ako sanay ng ganito kami pero mas nakakapag-isip ako kung hindi ko muna siya kakausapin.

After ng duty, nakita ko si Isay na.. kasama 'yong Tita niya?

Pinuntahan ba siya dito ng Tita niya? O teka, saan naman sila pupunta ngayon? Mag-uusap na ba sila?

Hay bakit ba iniisip ko pa 'yon ngayon?

"Nandito na po ako."

Sabi ko pagkauwi ko at nagmano sa kanila.

"Hmm. Kamusta naman ang araw mo?" Tanong ni Papa.

"Okay namaj po. Medyo.. nagkaro'n lang ng konting problema."

"Oh bakit?"

Naupo muna ko para magtanggal ng sapatos.

"May pasyente po kasing nambastos kay Isay. Eh syempre pinagtanggol ko siya. Natulak ko 'yong pasyente, nagreklamo kaya., pinatawag kaming dalawa ni Isay."

"Oh?! Ano'ng nangyari?"

"Pinagsulat lang naman kami ng explanation letter."

"Hay mabuti naman at 'yon lang." Sabi ni Mama.

"Eh tama lang naman 'yong ginawa mo! Pinagtanggol mo lang naman si Isay."

Ngumiti ako ng kaunti.

"Okay na kayo?"

"Ah.. hindi pa rin po."

"Bakit naman? Hindi pa rin kayo nagkaayos pagkatapos ng nangyari?"

"Ayos lang po. Choice ko na rin naman po na.. 'wag muna siyang kausapin."

"Ugh--"

"Sige po. Magpapalit na po muna ko ng damit."

"Okay tapos pumunta ka na sa kusina para makapag-hapunan na, ha?"

"Opo."

Kahit anong advice naman ang ibigay nila, wala ring mangyayari. Hindi ko pa.. alam kung ano'ng gagawin ko eh.

Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako. Nag-iisip pa rin ako.

Kinabukasan sa trabaho, nag-assist agad ako ng surgery ngayong umaga.

Pagkatapos no'n, bumalik ako sa office para tapusin 'yong letter. Nandito din si Isay na busy din namang nagsusulat.

Nauna siyang lumabas. Mukhang magpapasa na siya.

After minutes saka pa lang ako lumabas para hindi kami mag-abot doon pero kakatok pa lang ako, biglang bumukas mula sa loob.

Oh? Nagkagulatan pa kami.

Sobra talaga 'yong pagtitiis ko na hindi ko siya kausapin eh. Hindi ko siya pinansin at naglakad na papasok. Umalis na din naman siya.

"Ito na po 'yong.. mga pinagawa niyo, Dr. Hernaez."

"Okay. Babasahin ko ng maigi 'to para malaman ko kung parehas ba kayo ng sinasabi ni Dra. Briones. Kasi kung hindi, ibig sabihin no'n, may isa sa inyo na nagsisinungaling."

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon