Sa Aking Gunita - Kabanata 12

23 3 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 12

Dalisay's POV

Huminga muna ko ng malalim. Si Hero 'to, bestfriend ko. Kaya kailangan niyang malaman kung ano'ng kababalaghan 'yong nangyayari sakin. Isa pa, baka matulungan niya ko. 'Di ba?

Tinignan ko siya ng mga ilang segundo pa.

Buong buhay ko, lagi naman niya kong naiintindihan eh. Kaya baka maintindihan niya rin ako ngayon.

"Nakapunta ko sa 1896."

Nahalata kong nagpipigil siya ng tawa kaya inextend ko 'yong kamay ko at tinuro 'yong mukha niya.

"Oh! Sabi mo hindi ka tatawa?!"

Binalik niya sa pagiging seryoso 'yong expression niya.

Hinampas ko naman 'yong lamesa.

"Makinig ka kasi muna sakin."

"Okay."

Umayos ako ng upo.

"Naaalala mo pa ba 'yong mga kinukwento kong.. mga panaginip tungkol sa isang babaeng kamukhang-kamukha ko na humihingi ng tulong sakin tapos paulit-ulit kong napapanaginipan?"

"Hm?"

"Hanggang ngayon napapanaginipan ko pa rin 'yon. Pakiramdam ko totoo talagang kinakausap niya ko."

"Alam mo.. nag-iimagine ka lang--"

"Hindi! Totoo nga! Nando'n talaga ko! Nararamdaman ko talaga. Hay. Hindi ko kasi alam kung pa'no ko ipapaliwanag eh. Sige, sige! Kumain na muna tayo!"

Sabi ko na nga ba. Kahit si Hero, hindi maniniwala sakin. Pero.. ano naman kung hindi siya maniwala, 'di ba? Wala namang magbabago.

Pagkatapos kumain, hinila ko siya papasok ng kwarto ko.

"Uy ano ba 'yon?"

"Alam mo 'yong.. nawawalang diary do'n sa museum?"

"Oo, narinig ko nga 'yong tungkol do'n. Bakit?"

"Siguro naman kapag nakita mo 'to, maniniwala ka na talaga?"

"Ang ano?"

"Lika!"

Hinila ko siya at pinaupo sa kama. Naupo naman ako sa may upuan ng study table. Kinuha ko 'yong diary at pinakita sa kaniya.

"Oh?! Ayan 'yon 'di ba?! Pa'no napunta 'yan sayo?"

"'Yon nga din 'yong tanong ko eh! Hindi ko rin alam kung pa'no napunta sa harap ng pintuan ko 'yong diary na 'to."

"Hindi mo kinuha?"

"Pa'no ko makukuha?! Hindi mo ba narinig 'yong balita, ha? Hindi naman nabasag 'yong salamin na pinaglalagyan no'ng diary na 'to, 'di ba?"

Napaisip siya.

"Oo nga 'no?"

"Oo nga 'no?" Paasar ko siyang ginaya. "Tapos ito." Ipinakita ko rin 'yong susi sa suot kong kwintas.

"Oh?"

"Naalala mo ba no'ng sinulatan natin 'yong kotse na akala natin kay Sean? Tapos tumakbo tayo papasok sa museum tapos nagtago ako sa stock room, 'di ba?"

"Hm?"

Hindi ako agad nakapagsalita kasi.. hay. Hindi ko alam kung maniniwala ba siya sakin o aakalain niyang nababaliw na ko. Wala naman kasi akong pruweba na nangyari talaga 'yon.

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon