Sa Aking Gunita - Kabanata 62

15 1 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 62

Dalisay's POV

Siguro nga. Siguro nga masyado tayong immature sa relasyon na 'to. Masyado tayong immature para sa isa't-isa. Mali yata 'yong naging desisyon natin na tawirin pa 'yong linya na 'yon."

Naglakad na ko papasok ng bahay. Sumandal sa pintuan at umiyak.

Pareho kaming may mali. Pero mas mali siya.

Grabe naman siya magsalita.

Ang lakas ng loob niyang sabihing cheater ako? Eh ano sa tingin niya 'yong ginawa niyang 'yon?

Napatakip na lang ako at umiyak.

Bakit ang dami namang nangyayari sakin nitong mga nakaraang araw?!

"Doktora?" Tanong ni Manang Julie at nilapitan ako.

"Doktora, okay lang po kayo? Ah.. si sir Hero po? Kanina lang nandito siya. Hinahanap ka niya. Nagkita na ba kayo? Bakit ka umiiyak?"

Pinunasan ko 'yong mga luha ko.

"Ah.. sobrang.. pagod po ako ngayong araw. Magpapahinga na po ako, 'wag niyo na kong katukin sa kwarto."

Naglakad na ko pero hinawakan niya pa ko sa braso.

"Hindi po ba kayo maghahapunan?"

"Kumain na ko."

"Ah.. s-sige po."

Pumasok na nga ako sa kwarto at pagkatapos mag-ayos, nahiga na ko at tinignan 'yong cellphone ko. Hindi man lang siya tumawag.

'Yon na 'yon? Hahayaan niya talaga na tapusin namin 'yong araw na 'to na magkaaway kami?

Wala nang additional explanation kung sino 'yong babaeng 'yon, bakit sila nagkikita, at bakit hindi niya sinasabi sakin 'yong tungkol do'n?

"Hay!"

Grabe naman kasi siya makapagsalita.

So, ganito na lang? Hindi na siya magpapaliwanag talaga?

Naupo ako at nagbuntong hininga habang nakatingin lang sa kawalan.

Ito nanaman kami. Hindi nanaman malaman kung sino ang dapat na maunang mag-sorry.

Sandali nga.

Ito 'yong unang away namin na.. kami na.

At ganito agad kalala!

Tumayo muna ko at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

"Pasyente? Tsch!"

Nilapag ko na lang 'yong baso pero nasagi ko pagkalakad ko, natabig ko at nabasag. Pero wrong move na nagpulot ako ng bubog dahil nasugatan pa ko!--Ugh.

Napatigil ako.

S-sandali.

Dejá vu?

Meron pa?

Ano pang mangyayari? Akala ko ba tapos na?

Tumayo ako at pagkatalikod ko pa lang para bumalik sana sa kwarto, nasa 1896 na ko.

Ugh.

Ano pa ba'ng.. mangyayari? Ano pa bang kailangan kong gawin dito?

May nadagdag ba na sulat sa diary na hindi ko nabasa?

Tumingin ako sa paligid.

Ang daming guardia civil. Nasaan ba ko? Hindi naman nakulong si Maria Helena, 'di ba?

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon