Sa Aking Gunita
Kabanata 64
Dalisay's POV
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.
Ugh. Nakabalik na ko. Nandito na ulit ako.
Buti naman.
Tumingin ako sa paligid. Bakit nandito ako sa kwarto ko? Pa'no ako..
Bumukas 'yong pintuan at nakita ko si Hero na nagulat nang makitang gising na ko.
"Isay!"
Tinignan ko lang naman siya. Wala pa rin akong lakas.
"Ugh. Mabuti naman. Mabuti naman gising ka na." Hinawakan niya ko sa kamay. "Kamusta nang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?"
Ano namang ginagawa niya dito? Pa'no niya nalaman? Ahh. Matagal nga siguro akong nawala.
Ngumiti lang naman ako at umiling. Hinalikan niya 'yong kamay ko.
"Buti naman ayos ka lang. Sobrang nag-alala ko sayo. Sobra."
"Ga'no katagal ba kong.. nawala dito?" Nanghihina ko pang sabi.
"Ugh. Tatlong araw lang? Sobrang tagal kong nando'n tapos tatlong araw lang pala dito. Sobra 'yong paghihirap na naranasan ko do'n. Sobrang.. sama nila." Napaluha ako na pinunasan naman niya agad.
"I'm sorry, Isay." Tinignan ko siya. "Sorry sa mga nasabi ko no'ng gabing 'yon."
"Alam ko naman. Alam ko namang hindi mo gustong sabihin 'yon eh. Ako din, sorry din, Saka.. sorry din kasi sobra kitang napag-alala."
Umiling siya.
"Ag mahalaga nandito ka na at ligtas ka. Magpahinga ka na lang muna. Hindi mo naman kailangang pumasok agad. Ako nang bahalang magpaliwanag sa kanila."
Tumango ako.
Umupo ako at inlalayan niya ko.
"Kaya mo na ba?"
Tinignan ko siya at hinila palapit sakin para yakapin.
"Takot na takot ako. Hero. Akala ko mamamatay na ko. Akala ko hindi na ulit kita makikita eh."
Niyakap niya naman ako ng mahigpit.
"Natakot din ako. Natakot ako na baka.. hindi ka na bumalik."
Bumitaw ako at tinignan ko siya.
"Gano'n pala talaga kalupit noon. Hindi ko alam na 'yon 'yong kalalabasan ng pagbabagong nagawa ko. Nagkaro'n ng ibang resulta."
"'Wag ka nang umiyak. Nandito ka na. Tapos na. Hm?"
Tumango ako at inayos niya 'yong buhok ko.
"Ayos ka na?"
Ngumiti ako tapos biglang dumating si Manang Julie at natatarantang nilapitan ako.
"Ma'am! Ma'am, mabuti naman gising ka na! Sobrang nag-alala kami sayo. Saan ka ba nagpunta? Ano'ng nangyari sayo?"
"Sorry po. H-Hindi ko na lang po ikukwento kung ano'ng nangyari. Ang mahalaga naman po, nandito na ko. 'Di ba?"
"Ah sandali, sandali. Iinitin ko lang 'yong sopas para makakain ka." Hinawakan niya pa ko sa pisngi at ngumiti bago naglakad palabas.
"Siguro sobrang nagtataka si Manang Julie kung pa'nong bigla na lang akong nawala at bigla na lang ding bumalik."
Hinigpitan niya naman 'yong pagkakahawak sa kamay ko.
"Pumunta talaga ko no'ng gabing 'yon para.. magpaliwanag sayo. Kaso, na-twist 'yong timing kaya.. okay lang ba kung ngayon na lang?"
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...