Sa Aking Gunita
Kabanata 11
Dalisay's POV
Nakatingin na rin tuloy ako sa kaniya ngayon habang naglalakad hanggang sa makarating sa dulo ng shelf at...
Ugh?
Hero?!
Nabitawan ko 'yong hawak kong libro at ngumiti siya. Pinulot niya 'yon at inabot sakin.
Ano'ng ginagawa niya dito?!
"Kumusta? Madalas kitang makita sa silid aklatang ito. Ako nga pala si Fidel Fuentes."
Fidel?
Sigurado ba siyang hindi siya si Hero?
Sa araw na ito, wala akong ibang ginawa kung hindi ang magbasa at mag-aral at may isang matipunong ginoo akong nakilala. Si Fidel.
Aahh! Nabanggit ni Maria Helena 'to sa diary niya!
"Kung iyong mamarapatin, maaari ko bang malaman ang iyong ngalan, binibini?"
Ooh. Kung gano'n.. kung ako si Maria Helena sa panahong 'to, si Hero naman ay si Fidel?! Ang lalaking 'to ba ang past life ni Hero?
Sabagay, imposibleng makarating din siya dito at hindi ako makilala.
"Maria Helena."
Ngumiti siya.
"Nahulog mo ang.. aklat na 'to."
"Ah!" Kinuha ko na. "S-salamat."
Naupo na ko kasama no'ng babae kanina at nasa kabilang lamesa naman si Fidel at ang mga kaibigan niya. Sinusulyap-sulyapan ko siya kasi kamukha talaga siya ni Hero!
"Nasaksihan ko ang nangyari kanina." Sabi ng kasama ko kaya napatingin ako sa kaniya. "Sino naman ang matipunong ginoo na iyon?"
"Ha? Ah.. nagpakilala siya bilang si.. Fidel Fuentes."
"Hmm. Hindi ba nararapat lamang na kung nais ka niyang makilala ay sa kaibigan muna siya magtanong at hindi sa iyo mismo?"
"Ah.." Oo nga pala. May gano'ng kaugalian nga pala. "Sa tingin ko nagkataon lang dahil magkaharap na kami sa mga oras na 'yon. Wala naman akong nakikitang masama sa ginawa niya. Isa pa, pagkakaibigan lang naman siguro ang nais niya, wala nang iba."
Ngumiti lang siya.
Sandali, ano ba kasing pangalan niya?
"Gabriela!" May isa pang babaeng tumawag sa kaniya. Ahh! Gabriela 'yong pangalan niya! Thank you! Niligtas mo ko! Magtataka siya kapag tinanong ko kung ano'ng pangalan niya.
Nilingon ko ulit si Fidel at saktong lumingon din siya kaya umiwas agad ako ng tingin. Ang awkward na makita 'yong mukha ni Hero dito!
Pagkatapos naming mag-aral sa library, lumabas na rin kami ni Gabriela.
"Nandito na si Ina. Mauuna na akong umuwi." Sabi niya.
Tumango naman ako.
"Mag-iingat ka."
Tumayo lang ako dahil hindi ko naman alam kung paano uuwi mula dito. Hmm.. susunduin din naman siguro ako?
Tumingin ako sa paligid. Para kong nasa loob ng isang libro na panahon ng mga Kastila ang setting!
Totoo ngang mahihinhin ang mga dalaga sa panahong 'to at puro babae lang ang magkakasama sa isang barkadahan. May mga pari rin na mukhang mga Kastila, may mga palakad-lakad na mga guardia civil at may mga guro na maraming bitbit na libro.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Historical FictionIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...