Sa Aking Gunita - Kabanata 32

15 2 0
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 32

Dalisay's POV

Nahirapan pa kong pumili ng damit na isusuot ko ngayong araw at shades ng lipstick na--hay! Bakit ba nageeffort ako ng ganito eh kaming dalawa lang naman ni Hero 'yong magkasama?!

"Ma'am, may date ka?" Tanong ni Manang Julie.

"Po? Ah hindi po. Bibili lang po kami ng damit ni Hero para sa homecoming."

"Hmm." Nakangiti at nang-aasar niyang sabi.

"Hay nako, Manang Julie. Ano nanaman 'yon?" Natatawa ko namang tanong.

"Eh Ma'am, kung makapag-ready ka kasi diyan akala ko may mahalaga kang date. Si Sir Hero lang naman pala 'yong kasama mo."

"Oo nga eh--ahh ibig kong sabihin, nasa mood kasi akong mag-ayos. Ang ganda ng sikat ng araw eh. Ha-ha."

Nakakaloka 'to si Manang Julie. Dapat ba kong magpalit ng damit?

10AM. Dumating na nga si Hero para sunduin ako.

Nginitian ko pa siya.

Uy teka! Quits lang! Parang pinaghandaan niya rin 'to eh.

"Saan tayo pupunta? Mall?" Tanong ko.

"Ikaw? Sa'n mo ba gustong pumunta?"

"Mall na lang."

"Hm. Tara."

So ayun, gaya ng napag-usapan. Sa mall kami nagpunta.

"Bigla ko lang naalala, ang sarap pala sa feeling ng hinaharana 'no?" Sabi ko.

"Huh?"

"Ah kasi no'ng.. huli akong nakapunta sa past, hinarana ko ni Fidel."

"Tsch."

"Grabe, gano'n pala 'yon? Hindi na kasi uso 'yon ngayon eh."

"Sus! Kaya ko ring mangharana 'no. Oh, pakinggam mo." Nag-clear pa siya ng lalamunan. "Ikaw pa rin, ang hanap ng pusong ligaw~"

Tawa naman ako ng tawa kasi sobrang pinipilit niya talaga maisatono. Hahaha!

"Ikaw ang patutunguhan at--"

"Oo na, sige na. Tama na."

"Kulang lang ako sa practice at vocalization pero kayang-kaya ko 'yon." Napangiti at napailing na lang ako.

Gaya ng madalas naming ginagawa kapag bumibili ng damit, opinyon ng isa't-isa ang hinihingi namin. Wala naman kaming choice. Hahaha!

Iling siya ng iling sa bawat dress na sinusukat ko. Nahihilo na ko!

"Hay! Pang ilang palit ko na 'to, hindi mo pa rin gusto?!" Inis ko nang sabi. "Palibhasa nakaupo ka lang diyan. Nakakapagod kaya!"

"Ma'am, mukhang ang conservative naman po kasi ng boyfriend mo." Sabi no'ng sales lady at sabay kaming napalingon ni Hero sa kaniya.

"Ugh. H-hindi ko siya--"

"Dalian mo na, maghanap ka na ng iba. O ako na lang kayang maghanap?" Tumayo siya at naglakad.

Hay nako.

Nakahanap siya at inabot sakin.

"Oh ayan."

"Kapag ito sinukat ko at hindi mo pa rin nagustuhan o kaya ako ang hindi naman nagustuhan 'to, hindi na lang ako aattend!"

Ngumiti lang siya.

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon