Sa Aking Gunita - Kabanata 65

52 5 2
                                    

Sa Aking Gunita

Kabanata 65

Huling Kabanata

Dalisay's POV

Oo, matagal ko siyang hindi nakita. Oo, matagal na may galit ako sa kaniya.

Pero kahit sinong anak, hindi gugustuhing mangyari 'yon sa magulang nila lalo na ang makita pa sa mismong harapan nila.

"Isay? Isay!" Boses ni Hero 'yon.

Nakayuko ako kaya hindi ko nakikita pero alam kong siya 'yon.

Lumapit siya, inangat 'yong mukha ko at pinunasan 'yong mga luha ko.

Niyakap ko naman siya habang walang tigil na umiiyak.

Wala siyang sinasabi. Basta yakap niya ko, okay na sakin. Kahit wala siyang sabihin, alam kong nandito siya para i-comfort ako.

Wala akong nagawa. Namatay siya na nakikita ng dalawang mga mata ko. Masakit pa rin para sakin, syempre. Siya pa rin ang Tatay ko.

Kung kailan naman napatawad ko na siya at sa tingin ko handa na kong pabalikin siya sa buhay ko, umalis nanaman siya.

Umalis siya na hindi na talaga babalik kahit kailan.

Minsan parang pakiramdam ko ang unfair talaga ng buhay sakin. Pero kapag inisiip ko si Hero, marerealize kong hindi naman. May magagandang bagay pa ring anngyari sakin.

Kung wala si Hero, hindi ko alam kung pa'no na ko. Siya 'yong nagpapalakas sakin. Siya na lang talaga 'yong meron ako.

Kaya naman dahil sa ginawa ko kanina sa operating room, pinatawag ako ngayon ni Dr. Reyes.

Sinabi ko na rin sa kaniya na 'yong pasyente kanina.. ay 'yong biological father ko.

"Ugh. Pasensya na, hindi namin alam. Sana sinabi mo na lang samin para hindi na ikaw 'yong kinuha naming mag-assist."

Nakayuko lang ako.

"I'm very sorry for your loss. I am guessing na you understand the whole situation and why it happened to your father. It's very unfortunate and I can't imagine the pain you're currently having to see him die in front of your eyes."

At doble pa 'yong sakit dahil akala ko, pwede na ulit akong may matawag na Papa. Saglit lang din pala.

"Salamat po sa.. paggawa niyo ng best niyo to save his life."

"Another death on the operating table. We're all doing our best in avoiding it to happen but it will still, even if we try. I am sending my deepest symphaty."

Tumango ako.

Sobrang devastated nanaman ng pakiramdam ko. Hindi ko inakalang darating 'yong araw na 'to. Ang sakit. Sobra.

Mas masakit pala 'yong.. may umalis, bumalik.. tapos umalis ulit. Kasi umasa ka na eh. Umasa ka na, na bumalik na nga talaga siya at hindi na siya aalis. Pero iniwan ka lang ulit.

Pinaasa lang ako ng tadhana.

Pagod na kong maiwan. Takot na kong may mang-iwan pa ulit sakin dahil baka hindi ko na kayanin.

Baka maisip kong kaysa ako 'yong maiwan, ako na lang 'yong mang-iwan.

Hindi naman ako nagawang bato ng mga pangyayari sa buhay ko. Nasasaktan pa rin ako.

Mabuti na lang nandito si Hero. Sa paglipas ng mga araw, siya 'yong tumulong sakin na maging okay ulit ako.

Hinila niya ko papasok sa loob ng conference hall. Walang ibang tao dito.

Sa Aking GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon