Sa Aking Gunita
Kabanata 6
Isay's POV
"Wala akong kasalanan! Dalisay, tulungan mo ko! Pakiusap, tulungan mo ko!"
"Ugh!"
Napabangon ako.
"Aahh!!" Ang sakit ng ulo ko! Napatigil ako nang ma-realize kong nandito na ko sa kwarto ko. "Oh? Pa'no ako nakarating dito?" Pilit kong inalala. "Aah!! Hindi ko matandaan!"
Pero kaming dalawa lang naman ni Hero 'yong magkasama kaya malamang, siya 'yong naghatid sakin dito. Wala namang iba.
Bumangon na ko para mag-ayos. Pumunta ko sa kusina at naabutan kong may tubig nang kumukulo at may bagong lutong porridge.
"Hm?"
"Oh! Good morning!"
Si Hero!
"Oh?! Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Nag-asikaso na ko ng almusal mo. Saka gigisingin na dapat kita dahil baka masobrahan ka ng tulog, ma-late ka, mapagalitan ka pa."
Ngumiti ako.
"Dito ka natulog?"
"Hm. Dito sa sala."
"Hala bakit nandito ka pa?! May pasok ka rin eh! Baka ma-late ka!"
Inangat niya 'yong hawak niyang paperbag.
"Dumaan si Mama. Dinalhan na niya ko ng mga gamit para dito na ko mag-ayos ngayon. Sabay na tayong pumasok."
Natawa naman ako.
"Okay. Thank you! Saka.. sorry ah? Naabala nanaman kita."
"Ano ka ba? Wala 'yon. Sige na, kumain ka na."
"Sabayan mo na ko."
Sabay na nga kaming nag-almusal.
"Okay ka na ba?" Tanong niya.
"Okay sa.. hang-over o.. 'yong isa?"
Natawa siya.
"Hindi pa. Gano'n ba kabilis 'yon? Kahapon lang 'yon 'no!"
"Kapag may kailangan ka, sabihin mo lang."
"Okay lang. Magpapaka-busy ako sa trabaho tapos.. magiging okay na din agad ako."
"Gusto mo ba'ng magpa-assign sa E.R.?"
"Hah! Ayoko na do'n 'no! Susuko na 'yong katawang lupa ko kapag na-assign ulit ako do'n."
Tumawa lang siya.
"Sigurado akong.. may mga nakakahiyang bagay nanaman akong ginawa kagabi habang lasing ako. Hindi mo na kailangang ikwento."
"Minsan ka lang naman mag-inom. Minsan ko lang din naman makita 'yong side mo na 'yon. Hahaha!"
"Ahh. So nae-enjoy mo? Tsch."
Saglit kaming natahimik bago ako nagsalita ulit.
"Kung kailangan niya ng pera.. pwede naman niya kong tanungin do'n. Bibigyan ko naman siya. Hindi na niya kailangang maghanap ng sugar mommy."
Napatingin siya sakin.
"Ewan ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko nakilala na gano'ng klaseng tao si Sean. Sa loob ng tatlong taon, hindi naman naging issue sa kaniya 'yong pera. Maganda naman 'yong trabaho niya? Maayos 'yong buhay niya. Eh bakit.."
"Kung iniisip mong meron siyang dahilan at iisip ka pa ng excuse para sa kaniya, 'wag na. Ang bottomline do'n eh niloko ka niya. Niloko ka pa rin niya kahit saang sulok mo tignan."
BINABASA MO ANG
Sa Aking Gunita
Ficción históricaIsang babaeng nakakapagpabalik-balik sa 1896 at 2018. Hiningi ni Maria Helena ang tulong ni Dalisay upang ayusin ang isang bagay sa nakaraan. Ngunit pag-ibig din ay kaniyang natagpuan. Magagawa pa bang baguhin ni Dalisay ang nakalipas na? Sa Aking G...